Friday, 29 April 2011

Another Year Older!

Another year older and hopefully wiser.


Sobrang bilis ng panahon, burpday na naman. Buti na lang ay busy ang mga tao sa Royal wedding at natabunan ang birthday ko. So hindi nila napansin na hindi ako nanlibre o naghanda. Ang tanong, kung hindi ba ako nagcelebrate, ibig bang sabihin e hindi valid ang taon na ito at hindi madadagdagan ang edad ko?


Nagsimula ang araw ng i-YM ako ng bestpren kong si Bong ng alas kwatro ng umaga (sweet pero medyo maaga, alam kasi nyang insomniac ako e!). May treat naman ako from Poj, dahil late syang lumipat sa kwarto namin kaya nakatulog pa ulit ako ng konti. Binati din ako ng mag ama ko before kami bumangon.


Nag lunch date kami ni papa Erick pero di namin sinama si Poj dahil Prince & Princess day sa nursery at ayaw naman naming ma-miss nya ito. (pansinin ang costume na mukhang sinungkit lang sa sampayan ng kapitbahay dahil sobrang laki!)

At kahit may mega gift ako nung pasko ay may natanggap pa rin akong gift from papa Erick, touched naman ako. Teyn chu.


All in all ay masaya naman ang aking birthday, wag na lang nating pagusapan ang edad, booo.....  di pa ako makaget over e. At teyn chu din sa mga pagbati sa text, email, fb, sa comments, cards at gifts =)


-------
Sorry Sey, di ko natapos isort ang mga London pics so sa next post ko na sya ilalagay....

Thursday, 28 April 2011

Blogging Again

Hello Hello!


Namiss ko naman ang magblog! Kaya eto, armed with my coffee, homemade chocolate cake at tab ako ay magboblog update marathon?!? 
Sobrang naging hectic ang April at di ko namalayan na katapusan na pala ng buwan. Wala pala akong na post o napasyalan man lang, booo =(    


Ano ba ang nangyari? Napatawag lang naman ang lola para magsubmit ng 20 CPD (Continuing Professional Development) entries ng society ng Pharmacy dito! 20 entries na spread out for the last 5 years. Meron naman akong mga ideas na nakakalat sa mga papel at gilid gilid ng utak ko, pero naloka ako ng mag-log on ako sa account ko na dalawang entries lang pala ang tinapos ko doon! Huwah!!!  Para na naman akong lakwatserang estudyanteng nagbulakbol at nagcram ng bonggang bonga para sa exams. Haaay, minsan ang mga paperworks ng trabaho ay nakakaapekto na sa sosyal life ah!!!


Natapos ko naman sya at naipasa before the deadline. Haaay... at pwede na akong magbreathe out dahil katatanggap ko lang ng feedback at Excellent naman ito! phew (ayan o, parang nung studyante na naman, ang sarap ng feeling kapag pumasa after ng mega cramming. Gustong magpromise na maga-update na ng CPD na 9 per year para di na magcram next time ipatawag... pero alam ko namang di ko ito magagawa). Mas gusto ata ng utak ko na nasho-shock sya e, parang jump start, mas mabilis makaisip ng ideas na isusulat! O pwede rin naman na magwish na lang ako na di na ako i-summon pa na magpasa ng CPD ever again....


Di lang naman ito ang mga pinagkaabalahan ng April, andyan din ang birthday ni Papa Erick, ang paglalamyerda at pageenjoy ng warm weather at ang pagpasyal sa tita namin sa London (post at pics next time) na dumating dito para sa isang conference at short holiday at ang birthday ko ngayon.


At sabay sa pagupdate ko dito at sa mga paborito kong blogs ay meron din Royal wedding na dapat subaybayan bukas.... buti na lang sa Wednesday pa ang pasok ko!!! =)

Sunday, 3 April 2011

Mothering Sunday 2011


Mother's day ngayon dito (oo, para iba e meron silang sariling petsa. Wag nyo po akong tanungin kung alin ang orig dahil diko po naresearch). Ok lang naman sa akin ang ibang date, at mas ok din sa akin kung twice itong ise-celebrate (twice din akong may regalo, woo hoo, hehe...kung makakusot lang naman why not, poknat!?!).


Ito ang regalo ni papa Erick sa akin, ang CDs ng bago kong kinahuhung-hangang si Adele. Isa syang British singer na sikat dito sa mga kanta nyang Chasing Pavements at Someone Like You. Teyn chu, Papa Erick =)

Si Poj ay di papahuli, binati naman nya ako ng kanyang pautal-utal na Happy Mother's Day with matching na malaway-laway na kiss, chupchup!

Happy Mother's Day din sa lahat ng mga Mother, Mommy, Mama, Mum, Inay, Nanay at Ina na nagsecebrate ng Mothers day ngayon!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...