Another year older and hopefully wiser.
Sobrang bilis ng panahon, burpday na naman. Buti na lang ay busy ang mga tao sa Royal wedding at natabunan ang birthday ko. So hindi nila napansin na hindi ako nanlibre o naghanda. Ang tanong, kung hindi ba ako nagcelebrate, ibig bang sabihin e hindi valid ang taon na ito at hindi madadagdagan ang edad ko?
Nagsimula ang araw ng i-YM ako ng bestpren kong si Bong ng alas kwatro ng umaga (sweet pero medyo maaga, alam kasi nyang insomniac ako e!). May treat naman ako from Poj, dahil late syang lumipat sa kwarto namin kaya nakatulog pa ulit ako ng konti. Binati din ako ng mag ama ko before kami bumangon.
Nag lunch date kami ni papa Erick pero di namin sinama si Poj dahil Prince & Princess day sa nursery at ayaw naman naming ma-miss nya ito. (pansinin ang costume na mukhang sinungkit lang sa sampayan ng kapitbahay dahil sobrang laki!)
At kahit may mega gift ako nung pasko ay may natanggap pa rin akong gift from papa Erick, touched naman ako. Teyn chu.
All in all ay masaya naman ang aking birthday, wag na lang nating pagusapan ang edad, booo..... di pa ako makaget over e. At teyn chu din sa mga pagbati sa text, email, fb, sa comments, cards at gifts =)
-------
Sorry Sey, di ko natapos isort ang mga London pics so sa next post ko na sya ilalagay....