Friday 29 April 2011

Another Year Older!

Another year older and hopefully wiser.


Sobrang bilis ng panahon, burpday na naman. Buti na lang ay busy ang mga tao sa Royal wedding at natabunan ang birthday ko. So hindi nila napansin na hindi ako nanlibre o naghanda. Ang tanong, kung hindi ba ako nagcelebrate, ibig bang sabihin e hindi valid ang taon na ito at hindi madadagdagan ang edad ko?


Nagsimula ang araw ng i-YM ako ng bestpren kong si Bong ng alas kwatro ng umaga (sweet pero medyo maaga, alam kasi nyang insomniac ako e!). May treat naman ako from Poj, dahil late syang lumipat sa kwarto namin kaya nakatulog pa ulit ako ng konti. Binati din ako ng mag ama ko before kami bumangon.


Nag lunch date kami ni papa Erick pero di namin sinama si Poj dahil Prince & Princess day sa nursery at ayaw naman naming ma-miss nya ito. (pansinin ang costume na mukhang sinungkit lang sa sampayan ng kapitbahay dahil sobrang laki!)

At kahit may mega gift ako nung pasko ay may natanggap pa rin akong gift from papa Erick, touched naman ako. Teyn chu.


All in all ay masaya naman ang aking birthday, wag na lang nating pagusapan ang edad, booo.....  di pa ako makaget over e. At teyn chu din sa mga pagbati sa text, email, fb, sa comments, cards at gifts =)


-------
Sorry Sey, di ko natapos isort ang mga London pics so sa next post ko na sya ilalagay....

11 comments:

  1. Happy Birthday Ulit Sige simula ngayon, stop na tayo sa pag-celebrate ng birthday para stop na rin ang pagdagdag ng edad. hehehe! Ako palagi akong kabado pag malapit na birthday ko. Ewan ko ba.

    Asan yung picture? Kahit ano gawin kong click wala talaga. hehehe, hula ko na-publish mo agad to.

    ReplyDelete
  2. Hi Sey, thanks ulit. You're right, sa tab lang kasi ako nagtatype tapos bigla akong tinalunan ni Poj diko namalayan na nasend na pala! =)

    ReplyDelete
  3. ayan na bumalik ako para tignan kung complete na yung post. parang sarap ng foods. Okay naman yung costume, ang cute cute. pakisabi kay Poj, pahiram ako nung damit. hehehe!

    An sweet ni papa Erick. Ang thoughtful niya.

    ReplyDelete
  4. Feeling ko kakasya sayo, ang haba ng tiniklop ko sa pantalon na yan!!!

    Hmmm, nakalimutan ko ask kung bakit ka kinakabahan pagbday mo? At malapit na ba yun?

    ReplyDelete
  5. happy birthday.. naku ang cute cute talaga ni poj.. power hug to poj and syempri sa celaebrant..

    inggit much sa bag..haha!

    ReplyDelete
  6. Happy birthday! Tama wag na pag usapan ang edad. hehe.. Ang importante nakasama mo ang mahalagang tao sa buhay mo on your special day at may special gift pa!

    Aww.. Poj is super cute. Ang cute din na may ganun sila sa school. Pag nagka anak ako ng boy hiramin ko yan ah? paki tago na lang muna. haha..

    ReplyDelete
  7. Hello mommy razz, thanks a lot po. Sending big hugs your way din po.

    -----
    Thanka mayen! You're right, irrelevant na ang age (kapag andito ka na sa age namin, hehehe)

    Oo nga, nakakatuwa na rin nung naka-costume na sila. Yung mga girls super cute sa mga princess costumes nila. Oo ba, itatabi ko para sa baby boy mo =)

    ReplyDelete
  8. happy bday..kabertday mo pala ang kapatid ko. ^_^

    ReplyDelete
  9. Thanks MG, & happy birthday din sa kapatid mo =)

    ReplyDelete
  10. hope i'm not too late to convey my greetings. Happy birthday! by the way, love the bag :)

    ReplyDelete
  11. Thanks Marj! Xxx

    I do too, perfect for the sunny days =)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...