Thursday, 28 April 2011

Blogging Again

Hello Hello!


Namiss ko naman ang magblog! Kaya eto, armed with my coffee, homemade chocolate cake at tab ako ay magboblog update marathon?!? 
Sobrang naging hectic ang April at di ko namalayan na katapusan na pala ng buwan. Wala pala akong na post o napasyalan man lang, booo =(    


Ano ba ang nangyari? Napatawag lang naman ang lola para magsubmit ng 20 CPD (Continuing Professional Development) entries ng society ng Pharmacy dito! 20 entries na spread out for the last 5 years. Meron naman akong mga ideas na nakakalat sa mga papel at gilid gilid ng utak ko, pero naloka ako ng mag-log on ako sa account ko na dalawang entries lang pala ang tinapos ko doon! Huwah!!!  Para na naman akong lakwatserang estudyanteng nagbulakbol at nagcram ng bonggang bonga para sa exams. Haaay, minsan ang mga paperworks ng trabaho ay nakakaapekto na sa sosyal life ah!!!


Natapos ko naman sya at naipasa before the deadline. Haaay... at pwede na akong magbreathe out dahil katatanggap ko lang ng feedback at Excellent naman ito! phew (ayan o, parang nung studyante na naman, ang sarap ng feeling kapag pumasa after ng mega cramming. Gustong magpromise na maga-update na ng CPD na 9 per year para di na magcram next time ipatawag... pero alam ko namang di ko ito magagawa). Mas gusto ata ng utak ko na nasho-shock sya e, parang jump start, mas mabilis makaisip ng ideas na isusulat! O pwede rin naman na magwish na lang ako na di na ako i-summon pa na magpasa ng CPD ever again....


Di lang naman ito ang mga pinagkaabalahan ng April, andyan din ang birthday ni Papa Erick, ang paglalamyerda at pageenjoy ng warm weather at ang pagpasyal sa tita namin sa London (post at pics next time) na dumating dito para sa isang conference at short holiday at ang birthday ko ngayon.


At sabay sa pagupdate ko dito at sa mga paborito kong blogs ay meron din Royal wedding na dapat subaybayan bukas.... buti na lang sa Wednesday pa ang pasok ko!!! =)

11 comments:

  1. ang sarap ng cake.. yummy talaga.

    long time no post.. i miss you! mwahugs.. hug me to poj..:)

    ReplyDelete
  2. namiss kita ah? Minsan nadadalaw ako dito. iniisip nasan na kaya itong si kristeta. hehe.. Yun pala naging busy. At sa pagbabalik nang-inggit pa ng cake. Gutom pa naman na ako. Kainin ko yan. hehe..

    Naku ako din ngayon sa work at maging noong nag aaral expert the cramming. haha..PEro inaaral ko ng wag gawin yun sa work related papers. Kasi minsan pag binalikan ko ang pangit ng pagkagawa ko.

    Welcome back sister.. blog some more.. no pressure! lol.

    ReplyDelete
  3. You too mommy-razz! Big hugs your way from me & Poj! =)

    @mayen - haay, malaki yang cake na yan at kung andito ka ay bibigyan kita! Na miss din kita at ang mga emails mo! But I'm back, thanks ah =D

    ReplyDelete
  4. Habang pinapanood ko ang Royal Wedding, naalala kita. SAbi ko sa isip ko, siguro mamaya mag-a-update na si Kristeta ng blog niya. natanong ko pa sarili ko kung nagpunta ka ba. Wahhhh, sabihin mong hindi dahil, mamamatay ako sa inggit. hahaha! Hindi naman ako nangangarap makita ang prinsipe, natutuwa lang ako sa culture nila pati yung pagsunod nila sa tradition. Saka PANGARAP KONG MAKATAPAK SA LONDON...OO hindi Paris, kundi, LONDON! huwaahhhh!

    Happy Birthday sayo at advance naman kay papa Erick.

    may point ka eh, ang mga paper works talaga sagabal sa social life pati na rin sa blogging life. hehehe.

    ReplyDelete
  5. Hahaha! Well you're safe dahil hindi kami nagpunta =) We were in London last week eh, we did think of watching the wedding live pero naawa kami kay Jace. Madaling araw pa lang kasi andun na yung mga tao dun e. Pero nakatutok kami sa tv, whole day kasi ang coverage dito.

    I'll be posting some pics of London next week. Hay, sana nga makapunta ka dito para ikaw naman ipasyal ko =)

    Thanks ah, I had a lovely birthday at si papa Erick naman e hectic bday nung 19th.

    At totoo ka! Pwede bang wala na lang paper works?

    BTW, musta ka na?

    ReplyDelete
  6. Talaga ipapasyal mo ako! Sige kung hindi man ako makapag-work jan someday, sana kahit makapasyal man lang. Ngayon pa lang mag-iipon na ako.

    Minsan gan ewan ko ba, may times na gusto ko unahin ang blogging kesa work! sssshhhhh, wag ka ingay ah! hehehe!

    Okay naman ako! Thanks!

    ReplyDelete
  7. Sige Sey, sabihin mo lang kung kelan! We'd love to show you around. Basta be positive & believe that it will happen & it will =)

    Glad to hear that you're ok....

    ReplyDelete
  8. Busy month mo nga...kaya pala tagal n kitang hindi nakikitang nag-update...ingat always

    ReplyDelete
  9. Thanks Christian =)
    Titigilan ko na ngang magbake e, nagtatabaan na mga tao sa bahay, hehe...

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...