Sunday, 15 May 2011

Binyagan

Noong Linggo ay naimbitahan kaming mag-Ninong at Ninang ng 2nd baby ng kaibigan namin dito. Honored naman po kami at mabilis na pumayag.


At tulad ng lagi naming ginagawa, gumala muna kami nung umaga thinking na yeah, aga pa dami pa nating oras (2pm po ang binyag). Kaya naman paguwi namin maloka-loka kami sa pagmamadali dahil syempre naman, di pwede ang grand entrance lalo na kung ikaw ang godparents! At mas lalo namang nakakahiya kung sa reception ka na lang magpaparamdam!!!

Umabot naman kami, maaga pa nga kami at isa sa unang dumating sa simbahan. Phew!


Kaaliw si Father ah, kinailangan pa syang sunduin sa bahay nya. Locked ang simbahan kaya't sun bathing ang drama ng mga guests. Pagbukas ng simbahan syempre naman diretso kami sa loob- pero pinalabas kami ni Father. Ipilaniwanag na hindi pa daw Kristyano si baby Kian kaya't uumpisan ang ceremionies sa labas - kaloka? Hindi naman, kakaiba nga lang... after the blessing ay tumuloy na kami sa loob.


Dito sa loob ay ipinaalala ni Father kung bakit kami nandoon at ang importansya ng binyag at responsibilidad ng mga magulang at mga ninong/ninang. At lumakad ulit sa altar para sa prayers at blessings.




It was a very solemn ceremony. Sa pagtatapos ng ceremony ay pinagdasal din nya na maging mabuting magulang sila sa kanilang mga anak. 
Nakakatuwa si Father, at kilalang kilala nya ang mga Pinoy. Tinanong kung may videoke daw ba ang reception, hehehe! At may advice pa sya kung saan part ng simbahan best kumuha ng pics, cute!


Holy Family Catholic Church


Kian with his family

Welcome to the Christian world, Kian Angelo =)




Ang aming munting regalo, Engraved Tooth & Curl holder


Monday, 9 May 2011

3rd Installment ng London pics

Ang London in full bloom....





At ang iba pang mga pics mula sa London...


The Cenotaph




The River Thames





Mag-amang parang nawawala sa may Tower of London





Ang famous balcony ng Buckingham Palace

Our last pit stop
Sana ay na enjoy nyo ang pagsama sa pamamasyal ni Auntie sa London........

Sunday, 8 May 2011

Happy Mother's Day


To the two most special women in our lives, Happy Mother's Day mommy at Ate! BIG hugs from papa Erick, Jace & I.

We love you very much.

The same goes to all mothers, mommy, mummy, nanay, inay at Ina. Saludo kami sa inyo =)

Friday, 6 May 2011

Tuloy Ang Pasyal ni Auntie....

Ang karugtong ng aming London lamyerda.... 
Click para sa Part 1


Isang linggo bago ang hinihintay ng lahat na Royal Wedding ni Prince William at Kate Middleton ay nakapasyal kami sa Westminster Abbey. Sayang at napaaga ng 1 week ang bakasyon nya dito, sana ay inaya namin syang makisaya sa kasalan =)



Westminster Abbey


Ito naman ang St. Paul's Cathedral, isa sa iconic part ng London na dinesenyo ni Sir Christopher Wren at itinayo sa pagitan ng 1675 at 1710. Dito naman ikinasal si Prince Charles at Princess Diana. 
St Paul's Cathedral

Millennium bridge

Ang London Millennium Footbridge ay binuksan noong 2000, ito ay para sa mga pedestrians na gustong tawirin ang River Thames... sa dulo ay makikita ang St. Paul's Cathedral.

Trafalgar Square

Ang Trafalgar Square na nasa puso ng London ay ang paboritong tambayan ng mga Londoners at mga turista. Ito rin ay popular na i-book para sa mga special events, activities, rallies etc. 


National Gallery
Andito rin ang National Gallery, tahanan ng mahigit sa 2,300 na priceless paintings kasama ang paintings ni Leonardo da Vinci at Vincent van Gogh. Libre ang pumasok dito at talagang nakakamangha ang mga lifelike na images ng mga paintings dito.


Countdown Clock
At ang Trafalgar square din ang tahanan ng London 2012 Olympic Games Countdown Clock.  

Tuesday, 3 May 2011

Happy birthday Mommy

Isisingit ko muna ang pagbati ko sa aking Mommy bago ko ituloy ang pagpost ng mga London pics...

Ma, happy happy birthday po! We wish you good health and happiness. Miss na namin kayo & we are sorry wala kami dyan to celebrate with you.

We love you! 


homemade Victoria sponge cake with strawberry & cream filling

Monday, 2 May 2011

Snippets of London

How did you guys spent your Easter break?


Andito ang Auntie namin last April para dumalo sa isang conference at swerteng inalok siya ng extension ng kanyang stay.  Kaya't naipasyal namin sya ng konti sa London.  Sayang nga at there are way too many places na pwedeng pasyalan pero too little time!  
Ito ang pics ng ibang mga napuntahan ni Auntie sa London...
London Eye & London Aquarium

Ang London Eye ay parang isang mega ferris wheel na umiikot sa  speed na 26cm per second. Ang isang rotation ay tumatagal ng 30minutes kung saan may sapat na oras ka para i-admire ang view ng London. 

London Eye capsule
Ang London Eye ay may 32 capsules at may taas na 443 ft. Isa ito sa pinakasikat na dinadalaw ng mga tourist - over 3.5 million na katao kada taon.

UK Parliament
Ito na ata ang pinakasikat at kinukuhaang picture ng mga tourista na sumasakay sa London Eye.

kuha sa ibaba ng London Eye habang inaantay ang ticket ni Auntie


Big Ben
Ang Big Ben ay ang nickname ng great bell ng clock. Pero kadalasan kapag sinasabi nila ang Big Ben ay tinutukoy na rin nila ang clock at ang tower ng parliament. Hindi ito ang original ng clock ng parliament, ang iconic tower na ito ay sinimulang gawin nung 1843 at natapos noong 1859. 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...