Ang karugtong ng aming London lamyerda....
Click para sa Part 1
Isang linggo bago ang hinihintay ng lahat na Royal Wedding ni Prince William at Kate Middleton ay nakapasyal kami sa Westminster Abbey. Sayang at napaaga ng 1 week ang bakasyon nya dito, sana ay inaya namin syang makisaya sa kasalan =)
Ito naman ang St. Paul's Cathedral, isa sa iconic part ng London na dinesenyo ni Sir Christopher Wren at itinayo sa pagitan ng 1675 at 1710. Dito naman ikinasal si Prince Charles at Princess Diana.
 |
Millennium bridge |
Ang London Millennium Footbridge ay binuksan noong 2000, ito ay para sa mga pedestrians na gustong tawirin ang River Thames... sa dulo ay makikita ang St. Paul's Cathedral.
Ang Trafalgar Square na nasa puso ng London ay ang paboritong tambayan ng mga Londoners at mga turista. Ito rin ay popular na i-book para sa mga special events, activities, rallies etc.
Andito rin ang National Gallery, tahanan ng mahigit sa 2,300 na priceless paintings kasama ang paintings ni Leonardo da Vinci at Vincent van Gogh. Libre ang pumasok dito at talagang nakakamangha ang mga lifelike na images ng mga paintings dito.
At ang Trafalgar square din ang tahanan ng London 2012 Olympic Games Countdown Clock.