Sunday, 15 May 2011

Binyagan

Noong Linggo ay naimbitahan kaming mag-Ninong at Ninang ng 2nd baby ng kaibigan namin dito. Honored naman po kami at mabilis na pumayag.


At tulad ng lagi naming ginagawa, gumala muna kami nung umaga thinking na yeah, aga pa dami pa nating oras (2pm po ang binyag). Kaya naman paguwi namin maloka-loka kami sa pagmamadali dahil syempre naman, di pwede ang grand entrance lalo na kung ikaw ang godparents! At mas lalo namang nakakahiya kung sa reception ka na lang magpaparamdam!!!

Umabot naman kami, maaga pa nga kami at isa sa unang dumating sa simbahan. Phew!


Kaaliw si Father ah, kinailangan pa syang sunduin sa bahay nya. Locked ang simbahan kaya't sun bathing ang drama ng mga guests. Pagbukas ng simbahan syempre naman diretso kami sa loob- pero pinalabas kami ni Father. Ipilaniwanag na hindi pa daw Kristyano si baby Kian kaya't uumpisan ang ceremionies sa labas - kaloka? Hindi naman, kakaiba nga lang... after the blessing ay tumuloy na kami sa loob.


Dito sa loob ay ipinaalala ni Father kung bakit kami nandoon at ang importansya ng binyag at responsibilidad ng mga magulang at mga ninong/ninang. At lumakad ulit sa altar para sa prayers at blessings.




It was a very solemn ceremony. Sa pagtatapos ng ceremony ay pinagdasal din nya na maging mabuting magulang sila sa kanilang mga anak. 
Nakakatuwa si Father, at kilalang kilala nya ang mga Pinoy. Tinanong kung may videoke daw ba ang reception, hehehe! At may advice pa sya kung saan part ng simbahan best kumuha ng pics, cute!


Holy Family Catholic Church


Kian with his family

Welcome to the Christian world, Kian Angelo =)




Ang aming munting regalo, Engraved Tooth & Curl holder


5 comments:

  1. Ang cute ng gift nyo. Oi si Father ah? nakakatawa.. hehe akalain mong mag hanap pa ng videoke.

    ReplyDelete
  2. cguro kaya kilala ng mga pari yung mga pinoy kasi sa katotohanang sadyang relihiyoso tayo. tatak na yun ng pinoy eh

    ReplyDelete
  3. ang cute ng name niya..

    ReplyDelete
  4. kulit ni father nagpasundo pa. buti naman maaga kayo pero hindi naman masama kung sa reception ka pupunta at least nagpunta ka (joke) buti na lang nagpunta ka sa simbahan kasi yung sermon at paalala at bilin ni father ay mahalaga.

    ReplyDelete
  5. Cute ng bata! chuper chuper cute!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...