Friday, 17 June 2011

Mga Banat Ni Jace!

Namiss ko naman ang pagboblog pero muntik ng kumulot ang buhok ko sa sobrang ka-busyhan! Pero eto na at sa wakas nakahawak ulit ng computer...


Alam kong palagi ko naman itong sinasabi pero naloloka talaga ako sa bilis ng paglipas ng panahon!

Idinaos na namin ang birthday ni Poj at minsan di ako makapaniwala na 2 years old na sya. E dati inaantay ko lang ang due date namin e...

Ngayon nga ay di na makakaila na hindi na sya baby (though para sa akin, he'll always be my baby). Maliban sa pisikal na pagbabago, mabilis tumakbo, halos kumpletong ngipin, pagkain ng mag-isa, ang pag-insist na sa baso iinom, etc; ang kanyang mga ginagawa at nasasabi ay clear indication din ng paglaki nya.

Ngayon ay may opinion na sya kung kelan dapat magjacket, magsumbrero at magsapatos (at take note, pati kung aling sapatos).
Nagaaya na ring lumabas para mamasyal! 





Mga nakakaaliw na pagsayaw, pagkanta (at take note, kaylangan ay may mic, kaloka!) at pagtugtog ng tambol, piano o gitara. Wow, total performer ang Poj ko?!

Nagsasabi na kung gustong kumain at uminom ng gatas o tubig (kaloka lang kapag nagdemand kumain ng mga 2am....! Mga moments na gusto kong mag Wish Ko Lang ng Yaya!

Ngayon ay tinatawag na nya kaming mommy at daddy pag asa nursery sya pero Ina (pronounced as Ana) at Ama sa bahay. Parang alam na nya kung kelan gagamitin ang alin.

Ang isa pang naloloka ako ay ang pagsabi nya ng "yeah" imbes na yes!  Saan nanggaling ito? Syempre itinuturo namin ang pagsagot ng opo... We're getting there, i think. Pero ang pagsagot ng "Yeah!" Grrr,  diko talaga type. Haaaay.

May mga banat na rin syang "bye friends" kapag nagpapaalam sa mga kalaro sa nursery kapag
susunduin na sya at alam na rin nya ang mga pangalan nila! Andyan ang pagsabi nya ng "aaaahm" bago sagutin ang tanong mo, Anong color or number ni Thomas the train, Aaaahm blue or aaaahm one! Ok, kunyari talagang pinagiisipan muna bago sumagot, hehe!

Syempre ang pinaka ok sa lahat ay ang pagtulog nya ng magisa sa kwarto nya with the lights out! =)

Madami pang mga developments at pabibo na nakakatuwang makita. Ang bilis ng panahon! Nagiging big boy na ang baby ko.....





Birthday pics ni Poj to follow  =)

4 comments:

  1. i miss you kalokang pinay and opkors si poj.. happy b-day baby poj..

    ang cute naman ng mga nabago kay poj..bihira sa bata ang matulog magisa na naka off ang ilaw..hehe!

    miss you both.

    ReplyDelete
  2. Ang cute naman, at sobrang natawa ako don sa "yeah" at "bye friends" ahahha..teenager na teenager ang dating...ito alng masasabi ko, matalinong bata!

    ReplyDelete
  3. awww...cute ni poj.. I bet may accent na sya. haha..at ang yeah.. cool yun pero tama ka na mas ok pa din ang po at opo. Talaga natutulog na sya sa sariling kwarto. samantalang ako dati grade 6 gusto ko katabi ko pa ang papa ko. hehe..I'm sure he's going a good boy kasi ikaw ang mommy nya!

    na miss kita sis. sabi ko na over ang pagkabusy mo. :)

    ReplyDelete
  4. Thanks a lot mommy-razz =)

    @akoni, aww thanks a lot =)

    @Mayen, that was really sweet. you're right, mas maganda pa rin ang matutunana nya ang oo at opo. At may british accent na nga sya kasi he spends 3 days sa nursery at sya lang naman ang Pinoy doon. Pero marunong din syang magtagalog dahil tagalog kami sa bahay.
    Na miss din kita at pagdalaw sa blog mo :-)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...