Almost 3 years ago, habang asa dinner ako kasama ang mga kaibigan ko ay tinext ko si Papa Erick na bumili ng preg test kit. Alam kong late ako at may ibang nararamdaman. Syempre paguwi ko nung hinanap ko yung kit eh wala - ang lolo mo ay hindi bumili kasi antok na daw sya! Kaya pinabangon ko sya at pinabili sa tindahan ni Manong Tesco sa Spring Road, Southampton (akalain mo, hindi excited bumili?!).
Nung nagtest ako, akala ko e naduduling lang ako sa antok nung may nakitang may dalawang linya. Kaya't para sigurado e nagtest pa ulit ako. (Hindi dahil buy one get one ang preg test kit, kundi OA lang ako). At ganun ulit ang resulta, hehe, at this time e ni-share ko na kay Papa Erick ang good news. Halos hindi na kami nakatulog nung gabing yun sa saya...
Medyo may mga challenges ang early pregnancy at hindi straight forward ang labor... pero lahat ng ito ay sulit, sa bawat araw lalong nagiging special. At ngayon ay 2 years old na sya, marami na agad memories at sobrang nilolook forward namin ang maraming-marami pang darating....
Ayan po ang history.... at eto naman po ang current events....
Medyo adik adik lang naman si Poj kay Thomas at sa kanyang mga Friends kaya pinasya namin na icelebrate ito ng may Thomas theme. Nagpunta kami sa Eastleigh Lakeside Railway kung saan may "Day Out With Thomas" event sila. Ang lola mo ang super excited nung makuha namin ang tickets sa post, at kahit parang gustong sirain ng lamig at ulan ang araw na yun eh mas malakas pa rin ang powers ni Thomas.
|
Sa gate pa lang mega excited na! |
|
Syempre excited, sakay agad nung tumalikod yung driver =) |
Sobrang tuwa ni Jace nung makita ang mga trains. Sumisigaw ng yay at Thomas Thomas! Kitang kita sa mga mata nya ang pagka-excited.
|
Super excited sa 1st ride of the day, peep peep... All aboard!
Usually eh medyo shy pero nung araw na yun ay game na nakikipila sa pagsali sa mga activities. |
|
Feel na feel din nya ang kanyang certificate after tumulong magrefill ng tubig sa tank ni Thomas |
|
Photo op ulit after mapuno ng tubig si Thomas |
|
Opo, si Jace yung super excited sa picture na yun sa dulo! |
Merong mga story reading, puppet shows, drawing coloring at temporary tattoos. Syempre hindi nagpahuli si Poj sa lahat ng ito! Sulit =)
|
Cool! =) |
At nang matapos ang excitement ni Thomas train e Thomas food naman. Apart sa Thomas cake ay may ginawa rin akong Thomas cup cake na medyo kinaaliwan ng mag-ama kaya't dalawa na lang ang nagsurvive to make it to our picnic!
|
At kung may birthday syempre may chibog! |
|
Dahil adik, ayan puro Thomas |
At nung nagbadya ang ulan ay inuwi na lang namin ang mga food pagkatapos ni Poj maglaro sa play area.
Uber happy din sya sa mga birthday gifts na natanggap lalo na sa Thomas rail set na bigay ni lola, teyn chu po!
Happy 2nd birthday Jace Ethan! We wish for many many more birthdays to come as well as good health, & we pray that you continue to be a good & loving child. Wuv u =)
Happy birthday to the cute na cute na Jace Ethan, lalo ako tuloy naeexcite sa soon baby ko...hehe
ReplyDeleteakala ko bukod kay Poj may Jace pa, hehe!
ReplyDeleteHappy b-day Poj.. mwahug ♥
mukhang masaya ang celebration nyo ah, im sure natuwa ang anak mo. happy birthday kay jace :)
ReplyDeleteThanks Akoni =) Naku lapit na yun, ako din excited for you!
ReplyDeleteThanks mommy-razz! Wala lang po, pangpaconfuse lang, hehe =)
Thanks Marjorie, it was just the 3 of us but we had a lovely day. And Jace had surely had a blast =)
my 2-year old son was screaming "yay!", "nice!" and "Thomas!" over and over again as I was reading your blog! thanks for sharing this sis! parang nakapunta na rin si baby andrei ko dyan sa garahe ni thomas :)
ReplyDelete@Jenggai You're welcome,sis. Ang mga bata talaga super like si Thomas. =)
ReplyDeletethanks sis! nakakaaliw ang mga blog entries mo! can't help giggling! buti na lang I stumbled upon your blog while reading Spanish Pinay's blog. =)
ReplyDelete@Jenggai awww, that's sweet! Ako din, i like your blog & im happy to meet a new blogger friend =)
ReplyDeletesis, magkaname pa anak natin, "ethan mitchell" sa son ko. =) matutuwa anak ko pag naexperience niya yan, sana meron niyan dito. favorite niya si ligthning mcqueen at thomas.
ReplyDelete@michi super big dito si thomas siguro dahil British may gawa sa kanya. Bale tino-tour nila yung mga trains sa iba't ibang lugar. Wow kakatuwa naman, pareho pala sila ng name. Cute =)
ReplyDelete