Sunday, 26 June 2011

Alton Towers Resort




Dahil parang celebrity si Poj para sa amin kung kaya't isang linggo ang celebration, hindi lang yung Day Out With Thomas ang gimmick namin para sa kanya.  A few days bago ang big day ay bumyahe kami ng 191 miles (3 hrs at 40mins) patungong Alton Towers Resort. Dahil malayo ito ay nagdecide kaming magstay dito ng 3 nights para sulitin ang byahe. 2 days kami sa theme park at 1 day sa kanilang indoor water theme park.
Relax ang naging approach namin sa unang araw namin doon. Di gaanong maaga dumating at nagconcentrate sa isang section ng park. Hindi makedecide ang ulan kung gusto nyang bumuhos o hindi kaya di gaanong matao. Sulit si Poj sa mga rides dahil walang mga  kaagaw, hehehe... happy boy!





Noong 2ng day ay finally nakapagdesisyon na ang ulan na ibibigay todo nya ang pagbagsak, parang pambawi sa pagiging fickle minded nya the previous day. Buti na lang ay indoor ang water theme park! Kaya malakas man ang ulan ay protektado kami sa loob at enjoy sa heated pools. Limited lang ang mga taong pinapayagang pumasok (prebooked ang tickets namin) kaya't di gaanong matao. Super enjoy kaming lahat dahil may mga slides na patok sa lahat ng edad =)  Only downside eh bawal ang pikchure-pikchuran, booooo =(




Yung 3rd day ay maaraw na sa wakas. Nilibot na namin ang buong park at nagmental note ng mga rides na babalikan namin next time pagmas malaki na si Poj. Hindi pa rin masyadong maraming tao dahil week before the spring break. Perfect timing at perfect weather. Walang pila sa mga rides... so many rides at kahit 2 days sa park...still too little time!




Malaki ang park at di talaga kayang malibot ng isang araw lang. Sa sobrang lawak ng parking space ay kaylangan mong sumakay sa train (Monorail) para makarating sa entrance ng park. May dalawang sections din ang park kung saan pwede kang sumakay sa  cable car (Skyride) kung gusto mong iwasan ang mahabang lakaran at maenjoy ang view. Next time na pagpasyal doon, I'll be taking pics of the adult rides =)




8 comments:

  1. ang swerte ne poj, ang daming masasayang alaalang naiipon niya. Isa ito sa magiging kayaman niya, ang kasama kayo sa oras na ito.

    ReplyDelete
  2. ang gaganda ng mga picture at ung mga halaman ang ganda ng pagka landscape.. nice place!!

    hello poj.. ang saya ng kabataan mo..

    ReplyDelete
  3. Ooh I love theme parks. This one looks awesome. Kailan kaya ako makakapasyal dyan hehe...

    ReplyDelete
  4. @Akoni - noong bata kami ay lagi kaming pinapasyal ng daddy ko so we had a lot of happy memories growing up. At sinabi ko kay Papa Erick na gusto ko ganun din ang childhood ni Poj... Thanks Akoni =)

    @Mommy-razz - Thanks po. OO nga e, kaya kami nagcable car para makita ang buong garden dahil sobrang laki alam namin na di namin sya malilibot!

    @Marjorie - Hello Marj, ako dati walang hilig sa theme parks pero I now see their beauty & appeal. Hey, think positive & you could visit all the places you want to visit one day =)

    ReplyDelete
  5. Theme park how much I miss it. Lovely photos.


    Your new follower hope you follow back:)

    ReplyDelete
  6. Ang cuuuute ng baby mo hehehe

    ReplyDelete
  7. Ganda namn dyan! Ang laki nga at kailangna pa mag monorail papuntang entrance! Just dropping by your blog. Have a nice week!

    ReplyDelete
  8. Thanks Sunny Toast at Glentot =)

    @Anney - oo, malaki nga talaga yung theme park, ang maganda sa kanila ay meron silang parking lot na malapit sa entrance para sa mga naka bus at mga disabled. Thanks sa pagdaan =)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...