Tuesday, 28 June 2011

Musikero Ako!

  video


6 months
Baby pa lang si Poj ay nagpapakita na sya ng pagkahilig sa music. Nuong nakamaternity leave ako ay lagi kaming pumupunta sa mga nursery rhymes &  story telling time sa library at in-enroll ko rin sya sa Baby Sensory. Ang Baby Sensory ay isang development class para sa parents at baby kung saan may 40 themed lesson plan sila kaya every week ay may ibang nae-experience ang babies. Isang oras ito ng singing, dancing with props at baby sign language.  


1 yr & 3 months
Hindi ko alam kung dito nanggaling ang pagkahilig ni Poj sa music pero kahit noong maliit pa lang sya ay mahilig na syang sumayaw at maglaro ng piano. Tahimik din syang nakikinig kapag nanonood kami ng American Idol o UK X Factor, at pumapalakpak pagnatapos ang bawat kanta! 


Soon enough ay nagha-hum na sya sa mga kanta =) 


At noong may napanood sya sa YouTube na isang batang Korean na naggi-gitara at kumakanta ng Hey Jude, ay ito naman ang gustong subukan!  At dahil we were told to encourage his interests ay suporta naman kami...

1 yr & 6 months


    
Wish lang namin ay makalakihan nya ang hilig nya sa music.  Si lolo nya kasi marunong tumugtog ng gitara at sax at kumakanta rin. Kami naman ni Papa Erick ay mahilig din sa music pero nung dumaan ang fairy ng talent ay natutulog ata kami kaya di kami nabiyayaan! 
                                                 

14 comments:

  1. baka kaya kayo hindi nabiyayaan ng dumaan ang fairy ng talent ay dahil ang talents na sana ay para sa inyo ay kay poj ibibigay...hehe

    ReplyDelete
  2. talented... bakit kasi hindi ako binigyan ng mga magulang ko ng toys na ganyan when i was a kid... puro kasi taguan pong buong araw ang inaatupag ko eh hihihi... thanks for sharing .. happy blogging

    ReplyDelete
  3. Thanks Chino! Kami naman patintero ang laro nung bata pa, tsaka jack's stone at Chinese garter. Iba na nga talaga siguro ang mga laruan ng mga bata ngayon =)

    ReplyDelete
  4. aww super cute ni poj..future rock star.. i must be really proud.. grrr.. kakagigil si poj.

    ReplyDelete
  5. Hehe, thanks Mayen! We are so proud of him =) x

    ReplyDelete
  6. natawa ako sa video.. hehe! walang lyrics, ganito lang, 'dabadabadabada' hehe!

    ang cute ni poj sa mga picture lalo sa video opkors.. future singer..

    ReplyDelete
  7. Cute naman! my future ang bata..rockstar!

    ReplyDelete
  8. @mommy-razz, haha! hopefully paglaki nya may words na tayong maintindihan apart from dabadabada at dapidapi!!! Thanks a lot =)

    @Sunny Toast - thank you =)

    ReplyDelete
  9. how nice, meron ka na future rockstar!

    ReplyDelete
  10. Ang kulit tlga nga video nya:)rockstar baby!

    ReplyDelete
  11. Tapos nyan sya na ang papanooring nyo sa american idol or uk x factor - yun eh kung paglaki nya meron pang mga shows nyan. kung hindi man eh yung bagong singing contest shows! :)

    Spanish Pinay

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...