Thursday, 28 July 2011

Successful Bargain Hunt!



Super happy with this latest purchase for Poj. Due na sya ng bagong shoes at bad nga kami dahil di namin sya nadala sa scheduled shoe fitting nya. Tapos sinabi na lang nya sa amin na ayaw na nya yung shoes nya... kasi pala medyo masikip na.


Kaya mega hanap naman ako ng lagi kong hinahanap - Sale! Usually around this time eh maraming mga end of season sales. Pinapaubos ang mga summer display at ilalabas na ang autumn range. Perfect.


Mega daming sale ng shoes lalo na sa mga flip flop for ladies at swerte naman na nakakita ako ng para kay Poj bago ko maubos ang budget sa sarili ko. 


Nakita ko ang super cute na mga shoes na ito. Nung nakita ko na 1/3 lang sya ng original price ay mega order agad ako. Buti nga at umabot, dahil nung tiningnan ko ulit ay baby sizes or bigger kids sizes na lang ang natira.


Mega happy si Poj sa new shoes nya, mas happy naman ako dahil sale sya pero ang hindi happy ay ang mga carers nya sa nursery =(  Mahirap daw isintas, sanay kasi sila naka-velcro lang. Ngek, sorry naman di ko yun inisip nung binili ko ito... sowee 

Sunday, 24 July 2011

Stop, Look & Listen

May level crossing na dadaanan sa paguwi namin galing sa trabaho. Simple lang diva, pag nagflash ang red lights ibig sabihin eh dapat tumigil ang mga sasakyan dahil bababa ang mga bariers at may dadaan na train. Ang mga pedestrians naman ay dapat umakyat sa overpass para makatawid.


Pero minsan ay may mga drivers na malamang ay nasi-CR kaya't di na nila maantay na makadaan ang train kaya't pilit nilang inuunahan ang bumababang barriers. May mga incidents dito ng mga sasakyan na di umaabot at nababangga ng tren. Kaloka diba?!?


Pero level up ang mga bruhang ito. Nakapayong pa at di nagmamadali sa paglakad na parang may death wish kaya't dumeretso pa rin. Diba parang wala lang! Ano ba yun mga kotse nga minsan di umaabot e sila pa! Akala ko ay aatakihin ako sa puso para sa kanila! Nakita ko na nagulat sila nung bumaba ang barrier sa harap nila. Sinubukan din nilang itaas ang mga barriers pero di nila kinaya. Dun na nagumpisang mabalot ng panic ang mukha nila. Dun lang nagdawn sa kanila ang katangahan nila (at katamarang umakyat sa overpass).


Dont worry...  safe ang mga bru! Malapit kasi ito sa isang major station at malamang ay nakita sila sa cctv kaya't di muna pina-go ang train at inangat na lang muna ang barriers. Whew! 
Lesson learned! Pag may overpass - gamitin.

Wednesday, 20 July 2011

Ano Daw?


Pauwi na kami ng mapadaan kami sa harap ng beauty salon na ito. Napabalik ako bigla kasi akala ko ay namalik-mata lang ako sa nabasa ko. At syempre ay kinuhaan ko pa ng litrato para sure. 


Ano daw? Sorry ba sila dahil bukas sila at they rather stay at home and watch daytime TV?  O baka naman hindi sila magaling mag-gupit o magayos at warning ito sa mga gustong pumasok, parang "sorry ka, bukas kami.... paglabas mo ay talagang magiging sorry ka?"  Tempted nga akong pumasok at basahin kung ano ang store sign nila kapag sarado na sila... "Yehey We're Closed" kaya ito.... o baka naman "Sorry We're Closed" din?


Hmmm, ano sa tingin mo? 



Sunday, 17 July 2011

Pwede Na Rin


It's another Thomas & Friends weekend!


Napurnada ang lakad namin this weekend dahil nagdecide ang nature na i-spoil ang summer sa bagbuhos ng malakas na ulan.... So nagkulong na lang kami sa bahay at nagbonding. Today is not too bad, pinipilit ni haring araw na lumabas kaya't nagdecide na rin kaming tapusin ang pagtatago sa loob ng bahay (sensya na, mga takot sa ulan!)
After mag grocery at lunch out ay may nakita kaming promo sa newspaper. May voucher sa loob nito kung saan makakakuha ka ng free Mega Bloks na Thomas and Friends buildable character. Ang Mega Bloks ay parang lego pero mas malaki sya na mas suited for smaller children. May value na £5.99 kada isa ang toy at £1 naman yung diaryo. 6 designs ang pinamimigay nila, pero syempre 1 voucher lang per newspaper. Bumili kami ng tatlong diaryo at nagulat kami pagdating sa Toys R Us sa dami ng nagaavail ng promo. Halos paubos na ang stock, at sinabi nila na kahit until Tuesday pa ang promo ay valid lang ito until stocks last.


Swerte naman at nakuha namin ang mga design na gusto ni Poj, si Thomas (syempre!), si Bertie bus at Harold the helicopter. Pwede pa kaming bumalik bukas pero malaki ang tsansa na ubos na ito, so maybe not.


Meron pa rin naman palang libre ngayon!


After spending £3, we ended up with (3 copies of the same newspaper) 3 toys worth a total of £17.97 and a very happy boy! Not bad...

Tuesday, 12 July 2011

eBay Virgin

Ilang buwan na ring natutulog si Poj ng magisa sa kwarto nya. Sa mattress lang namin sya pinapatulog dahil ayaw namin syang bilhan ng bed hangga't sigurado kaming tutulugan nya ito. For a long time e kumbinsido kami na sa tabi na namin sya matutulog hanggang magbinata na sya.... ay hindi naman, mga 7 lang pala. 


So ngayon ay 2 na sya at natutulog ng magisa sa kwarto nya ay nagumpisa na ang bedhunt. At ano pa nga ba ang naisip naming perfect kundi .... correct! Thomas the tank engine bed!!!


Kaya't nagsign up ako sa ebay at nagbid. Natalo ako sa unang attempt pero naghanap ulit. Di prepared ang lola na magbayad ng mega £ para sa bed kaya't kaylangang maghanap ulit.  Nakahanap naman kami, swerte nga at mas malapit pa dito ang seller! Haaay, muntik ko na ngang makalimutang magbid, 8 minutes na lang nung naalala ko, kaloka diba?! But we got there in the end at swerte din na pumayag ang kaibigan naming si Tantan na samahan si Papa erick sa pagkolekta ng bed. 


Si Poj mega excited sa kanyang Thomas bed!
Hmm, kaylangang mag-ingat, kaka-excite pala manalo sa ebay lalo na sa presyong gusto mo. Haha, baka ma-addict ang lola at maloka si Papa Erick!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...