Wednesday, 20 July 2011
Ano Daw?
Pauwi na kami ng mapadaan kami sa harap ng beauty salon na ito. Napabalik ako bigla kasi akala ko ay namalik-mata lang ako sa nabasa ko. At syempre ay kinuhaan ko pa ng litrato para sure.
Ano daw? Sorry ba sila dahil bukas sila at they rather stay at home and watch daytime TV? O baka naman hindi sila magaling mag-gupit o magayos at warning ito sa mga gustong pumasok, parang "sorry ka, bukas kami.... paglabas mo ay talagang magiging sorry ka?" Tempted nga akong pumasok at basahin kung ano ang store sign nila kapag sarado na sila... "Yehey We're Closed" kaya ito.... o baka naman "Sorry We're Closed" din?
Hmmm, ano sa tingin mo?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)