May level crossing na dadaanan sa paguwi namin galing sa trabaho. Simple lang diva, pag nagflash ang red lights ibig sabihin eh dapat tumigil ang mga sasakyan dahil bababa ang mga bariers at may dadaan na train. Ang mga pedestrians naman ay dapat umakyat sa overpass para makatawid.
Pero minsan ay may mga drivers na malamang ay nasi-CR kaya't di na nila maantay na makadaan ang train kaya't pilit nilang inuunahan ang bumababang barriers. May mga incidents dito ng mga sasakyan na di umaabot at nababangga ng tren. Kaloka diba?!?
Pero level up ang mga bruhang ito. Nakapayong pa at di nagmamadali sa paglakad na parang may death wish kaya't dumeretso pa rin. Diba parang wala lang! Ano ba yun mga kotse nga minsan di umaabot e sila pa! Akala ko ay aatakihin ako sa puso para sa kanila! Nakita ko na nagulat sila nung bumaba ang barrier sa harap nila. Sinubukan din nilang itaas ang mga barriers pero di nila kinaya. Dun na nagumpisang mabalot ng panic ang mukha nila. Dun lang nagdawn sa kanila ang katangahan nila (at katamarang umakyat sa overpass).
Dont worry... safe ang mga bru! Malapit kasi ito sa isang major station at malamang ay nakita sila sa cctv kaya't di muna pina-go ang train at inangat na lang muna ang barriers. Whew!
Lesson learned! Pag may overpass - gamitin.