Sunday 17 July 2011

Pwede Na Rin


It's another Thomas & Friends weekend!


Napurnada ang lakad namin this weekend dahil nagdecide ang nature na i-spoil ang summer sa bagbuhos ng malakas na ulan.... So nagkulong na lang kami sa bahay at nagbonding. Today is not too bad, pinipilit ni haring araw na lumabas kaya't nagdecide na rin kaming tapusin ang pagtatago sa loob ng bahay (sensya na, mga takot sa ulan!)
After mag grocery at lunch out ay may nakita kaming promo sa newspaper. May voucher sa loob nito kung saan makakakuha ka ng free Mega Bloks na Thomas and Friends buildable character. Ang Mega Bloks ay parang lego pero mas malaki sya na mas suited for smaller children. May value na £5.99 kada isa ang toy at £1 naman yung diaryo. 6 designs ang pinamimigay nila, pero syempre 1 voucher lang per newspaper. Bumili kami ng tatlong diaryo at nagulat kami pagdating sa Toys R Us sa dami ng nagaavail ng promo. Halos paubos na ang stock, at sinabi nila na kahit until Tuesday pa ang promo ay valid lang ito until stocks last.


Swerte naman at nakuha namin ang mga design na gusto ni Poj, si Thomas (syempre!), si Bertie bus at Harold the helicopter. Pwede pa kaming bumalik bukas pero malaki ang tsansa na ubos na ito, so maybe not.


Meron pa rin naman palang libre ngayon!


After spending £3, we ended up with (3 copies of the same newspaper) 3 toys worth a total of £17.97 and a very happy boy! Not bad...

8 comments:

  1. basta promo ganyan talaga, buti may naabutan ka pa pra kay poj.. Gmorning!

    ReplyDelete
  2. hahaha! ang laki pa rin ng natipid mo! good job! :D

    ReplyDelete
  3. Cute naman! I'm sure tuwang tuwa ang anak mo sa new toys nya.

    ReplyDelete
  4. Oo nga po mommy-razz, alam mo naman itong si Poj, adik kay Thomas! Sulit naman, dahil mega happy sya ✿

    Oo nga Tina! It was a real bargain ✿

    You're right Anney, mega tuwa! ✿

    ReplyDelete
  5. ang galing mo talagang mommy sis.. anything to make poj happy. ang galing naman ng promo nila no wonder maraming nag avail.

    ReplyDelete
  6. wow, sana dito sa pinas may ganyang promo! libre lang smantalang magkano yan dito. fave kaya ng anak ko yan! mahirap ang buhay namin pero kapag naiisip ko ang mga thomas ng anak ko at sumahin ko ang lahat eh malamang dami nako pera ngayun hehe. pero di bale kakatuwa nman kapag nakikita naming masaya ang bata sa mga thomas nya hehe.

    ReplyDelete
  7. Thanks Mayen! I think it is good to encourage his interests. He looks after his toys naman & plays with them for hours. We just try to balance it by not getting too carried away kaya panay ang hanap ng bargains =) ✿

    Hi Juls, I know where you're coming from. Parang pati tayo nagayuma na nila Thomas kasama ng napakaraming mga bata. You're right, iba talaga ang saya nila =) Swerte lang din may mga promos na tulad nito, kundi can't afford kami, hehe ✿

    ReplyDelete
  8. oy, sana naman may ganyan din dito sa spain mga voucher voucher at coupons coupons. hay! Tama yan, samantalahin ang mga promos! :)

    Spanish Pinay

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...