Monday, 28 February 2011

Pagaling ka Pogi-Pojpoj

Kaylan ba matatapos ang streak ng sakit namin? Di naman major-major, pero ilang linggo na rin naming pinapayaman ang tissue company dahil sa sipon namin. At gaano na kaya naalarma ang kapitbahay na baka nag-aalaga na kami ng mga aso sa lakas ng "coughing competition" naming tatlo? Isama mo na rin dyan ang mala-bedroom voice namin - salamat sa pagkapaos at sakit ng lalamunan .…

At tanong ko lang kung bakit naman kaya hindi o ayaw gawing masarap para sa bata ang mga gamot? Bakit kaylangan na colored pink nga pero grabe naman sa kapaitan ang lasa. Sabi ko pa naman kay Poj, masarap ito, parang vitamins lang. Pero pagtikim ko,yuck! Ang paet much a!!! So dapat naka anti-biotic sya ng every 6 hours, pero tuwing pagkatapos ng drama ng pagpapainom e inilalabas lang nya ito. Opo, kaloka!


Bukas balik clinic kami para papalitan ang riseta. Dapat maalala kong dalhin yung gamot para kapag di pumayag si dokie e ipapatikim ko ito sa kanya. Promise, ganun sya kapait na pwede na akong magluto ng ampalaya con karne ala Flucloxacillin! Again, kaloka!


Hay sana naman po, Sana naman ay gumaling na lahat lalo na si Poj. Hirap talagang magkasakit

Saturday, 26 February 2011

Postpone ang D sa lunes


Hay naku! Malapit na atang maging food blog itong blog ko dahil puro pagkain na lang ang sinusulat/asa isip ko.

At papano ko pa naman makukumbinsi ang nanay ko na nagdadiet na talaga ako, eh ako mismo confused kung on a diet nga ba ako? Huwah, sermon na naman eto!
Ngayon ay pauunlakan namin ang paanyaya ng isa pa naming kaibigan na nagbirthday nung 23rd. Happy burpday George, sana mabusog mo kami!
Kaylangan sigurong umpisahan na lang ang diet sa lunes, peksman. Super sarap kasing magluto ng wifey nyang si Che =) yum yum! Ayan di pa nga kami umaalis natatakam na, patay! :)
At para naman di halata nakaka-shy eh may bitbit kaming Chocolate cake, na wish ko lang po ay magustuhan ng celebrant at ibang bisita =)
Siguro din ay kaylangan kong isulat dito ang magiging progress ng pagdadiet ko para seryosohin ko na? Hirap naman kung di ka na kagandahan e mataba pa. Ano, ang positive na description ko lang e "ah si kristeta, yung maganda ang hair?" kaloka naman yun deva?

Monday, 21 February 2011

Lunes na naman

Hayz,  Lunes na naman at isa lang ang ibig sabihin nito, balik na sa realidad. Well, di dapat magreklamo dahil masaya naman ang dumaang weekend.


Para sa nabayaran kong magbasa ng nauna kong post, success naman po ang aking attempt sa Maja blanca. Nagover acting lang ang lola na sobrang aga ito ginawa e gabi pa naman ang beerday celebration. Kaya nung may oras pa eh gumawa na lang ako ng puto, at nanalangin na sana ay may handang pansit o dinuguan - para naman di maging out of place ang dala kong puto. At eksakto naman na parehong meron! O diba, ang ganda ko, este ang galing ko pala!!

ang bday celebrant at ang kanyang labs

ang ilan sa mga bisita


ang ilan sa mga kids at si Jace =) 


Masaya ang selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigang si Mercury. Tulad ng inaasahan sa isang handaang pinoy, maraming pagkain, inumin, tawanan at kwentuhan. Isama mo na rin ang sayawan sa tulong ng kanilang Xbox kinect. Hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ng mga batang andun sa party ang kanilang mga magulang na ibili sila nito. Kwela syang laruin at meron ka na talagang freedom gumalaw dahil wala ng wires o kahit na anong hawak. Buti na lang at baby pa si Poj at di pa nya alam ang mga nangyayari... at sana pag laki nya e laos na ang mga game consoles (talaga? ang mean naman ni Ina)!


At hindi pa nga kami nakakauwi ay meron na namang imbitasyon para sa isang burpday party sa sabado! Wow, feeling popular, haba ng hair ko!?! taray kaliwa't kanan ba ang mga imbitasyon? Pero eto, handaan na naman ng kaibigang pinoy kaya patay na naman ang diet, uumpisahan na naman sa susunod na linggo. Malamang nito, lalaki na si Poj at di pa ako nakakaumpisa at sya na ang pipigil sa aking kumain! Kung honest ako, hindi ito malayong mangyari!


Hmmm, ano kayang dessert ang dadalhin namin sa sabado?

Friday, 18 February 2011

Maja Byernes

Hayz samamat at byernes na! Kapagod! At para sa kokontra at sasabihing wa me karapatan mapagod o magreklamo dahit tatlong araw lang ang pasok ko e hahamunin ko ng swap kahit isang linggo lang.... Sige na oh (ay teka wala pa palang naghahamon!)
Ngayon medyo relak relak lang ng konti ang lola pero mamaya ay kaylangan ng magayos ng gamit dahil may pupuntahang burpday party bukas. May request na kung pwede kami magdala ng panghimagas at ang naisip ng lola ay Maja blanca. Ok na kaya ito?
Nagawa ko na ito dati pero mga mahigit 10 years na ang nakakalipas. Pero sharp naman ang memory ko kaya alam kong ok ako. At idadagdag ko lang ah, na sinungaling ako minsan ;)
Pero seryoso na, sana ay masarap ito dahil kawawa naman ang mga taong dadalo ng burpday party, dahil mababait na tao itong mga ito kaya ayaw ko silang masaktan.
Teka ah, asan na nga ba yung sharpener ko este recipe ko pala.....

Tuesday, 15 February 2011

Para kay Ms. Friendship

Isinulat ko ito para sa broken hearted kong kaibigan. Opo, para sa mga salbaheng bf, walang pinipiling petsa kahit na may paparating na selebrasyon, kahit araw pa ito ng mga puso. grrr @%#•
I feel bad (seryoso na ito, ingles e) para sa aking kaibigan kasi alam ko na kahit bigkasin ko pa lahat ng quotable quotes tungkol sa bigong pagibig, paglimot at pagsisimulang muli e wa epek ito para maibsan ang kanyang kalungkutan.
Ang hiling ko lang sana kay Ms. Friendship ay ang wag nyang sisihin ang kanyang sarili sa pagtatapos ng kanilang relasyon. Ang mga babae ay may kalokang tendency na sisihin ang sarili kahit hindi sila ang may pagkukulang.
Subukan mong ibaling ang iyong enerhiya sa mga aktibidades na makakadistract sa yo at isang araw ay makakalimutan mo rin sya. At malalaman mo sa panahon na yun kung bakit ayaw sya ni Lord para sa yo.
At bago mo sundin ang payo ni Andrew E o ni Bitoy, iwiwish ko na rin na dumating ang nakatadhana sa yo sa tamang panahon =)

Monday, 14 February 2011

Valentine's Day Na Naman

Happy valentine's day sa lahat.
Naalala ko noong maliit pa ako tuwing sasapit ang araw na ito ay gagawa kami ng mga heart shaped cards at ibibigay sa mga teachers at classmates namin. Diba parang mas meaningful kasi alam mong pinaghirapan yun at unique - no two cards are alike!
Noong papunta ako sa trabaho kahapon ay muntik na akong mabulag sa isang mala-explosion na pula sa kapaligiran! (medyo OA ah, pero you get the idea). Yung isang ale di na magkanda ugaga sa pagpasok ng kahon-kahong long stemmed na rosas sa tindahan nya mula sa kanyang van. At isama nyo na ang mga nagtatamisang tsokolate, iba't ibang size na cards at mga napakacute na stuff toys - lahat ay nagkakahalaga ng ££££
Wala namang masama sa lahat ng ito, kung para naman sa mahal mo at lalong lalo na kung afford mo at Kung ang trip nyo ay ang magcelebrate ng isang araw na pagkabonggang bongga! Bilib lang ako na pagkatapos ng pasko at bagong taon, isama mo na dyan ang pyesta ng Sto NiƱo ay may budget pa ang iba para dito.
Kami, we kept it simple this year - dinner sa bahay at gagawa kami ni Jace ng cards para sa carers nya sa nursery. At kelan ang date, pwede bukas o pwede sa susunod na weekend, pagdina mahaba ang reservation o pila at pag dina doble ang bayad sa restawrant =)




Kuripot? Pwede... Praktikal? Pwede, Oo!!!

Friday, 11 February 2011

Nappy Cake

Kalowka! Ang daming buntis sa kapaligiran! Manager ko, manager ng manager ko, ilang kasamahan at kaibigan. Dalawa pa nga sa kanila ay nanganak pa sa parehong araw!


Kaya kaylangan paandarin ng konti ang matamlaying utak at imahinasyon para makaisip ng kakaibang ireregalo.


At nagkaroon ang lola ng isang vision (ganun?). Naisip ko na since pangalawang baby na nila ay siguradong kumpleto na sila sa gamit. So minabuti ko na gumawa na lang ng regalo na magagamit nila at sana naman ay magustuhan nila.


Tada!!! (at may ganun talaga?) Naisip ng lola na gumawa ng nappy cake.

unang attempt sa paggawa ng nappy cake

Bale isang ek-ek na gift (magandang ek-ek naman po) na mukhang cake at nakapatong sa cake board na may lamang mga diapers at little surprises sa gitna tulad ng baby oil, baby soap etc
Matagal na daw ito nauso sa US at ngayon ay uso na ring pangregalo dito sa mga baby showers o sa bagong panganak. Fingers crossed talaga na magustuhan nila ang aming munting handog =)



Huwaah, tama na nga pagboblog, may isa pa pala akong idedesign - pang girl naman!

Wednesday, 9 February 2011

Ang araw ng test

Hay tapos na ang test na walang kasiguraduhan na ako'y pumasa. Well ano nga naman ba ang ine-expect ng lola e di naman masyadong nag-aral!
Ang kaloka e 14 lang kaming nagtake ng test pero sa end of the month pa namin malalaman ang resulta. Medyo matagal diva?! Nagtaka pa ako e dati rin may exam akong kinuha, 20 items lang pero 2 weeks bago ko nalaman na pumasa ako. Nakakamiss tuloy mga test dati sa Pinas, exchange papers lang para di na magcheck si Ma'am sa bahay at para alam mo na rin agad ang score mo!
Ok na rin ang araw ko, 1hr 15 mins papunta, 1hr na test & 1hr 15mins ulit na byahe pabalik. Asa Southampton nako by 1pm, off na for the rest of the day. Not bad, right?... Sarap sana maglamyerda sa London kaso magisa lang ako. Baka sabihan pa akong Billie-no-mates, kaya ayun umuwi na lang agad. Tsaka ang lamig, tumatanda na ang lola! Tumuloy sa Mc Do at nagbasa ng ibang mga blog =) kaya medyo nagtinginan mga ibang tao kasi tumatawa ako magisa. Uy OA a nagtago na nga ako sa pinakadulo na table e, ang mga yun naman! Basag trip!!!

Tuesday, 8 February 2011

Ready or not, here I come...

Ready or not, Well I'm not....


Nyay, meron akong exam bukas para maipasa ang isang course para sa trabaho ko. Kaylangan kong bumyahe patungong London ng mga 7-7:30am para makarating sa Guys hospital ng 9:30am via train.
Ano ba yung course? Basically, course sya na nagtuturo kung paano gawin ang work ko - kaloka? hehe medyo, lalo na't 5 years nako sa work kong ito...
So kung ginagawa ko na ito edi dapat pa-petiks petiks na lang ako? Well, ganun nga ginawa ko ngayon, not by choice kundi dahil hindi ako makapagreview ng maayos dahil wala naman akong kasamang pwede magalaga at makipaglaro kay Poj today.
So paano bukas? - edi bahala na si batman! Pag bumagsak (naku, wag naman sana) edi take 2 sa July!
Ano ba naman ito, akala ko pag graduate ka na e graduate ka na rin sa mga test, huwah hindi pa rin pala!!!

Monday, 7 February 2011

Ah ito pala ang TV

Sa wakas ayos na ang Sky, pwede na ulit magTV!
True to their word ay dumating ang Sky team para ayusin ang satellite dish ng tv namin.
Naloka sila dahil pagpark pa lang nila ng van ay nakita na nila ang nakabitin (na literally ay hanging by a thread!) na satellite dish.
Agad silang umakyat at ikinabit ito ng maasyos at mas matibay. Naawa nga ako sa kanila kasi sobrang mahangin kanina at masakit sa balat ang lamig nito.
Pagkababa nila at pagkatapos i-test na maayos na ang lahat ay ipinaliwanag nila kung ano ang nangyari. Sabi nila na ikinabit daw sa chimney yung dish dahil may malaking puno sa likod na nagbo-block ng signal, ok fair enough. Pero ang kamote na nagkabit dati ay binutasan lang yung chimney at ikinabit ang dish gamit ang attachment para sa pangmababang installation. So in short hindi ito matibay at isang mahanging araw lang ay napigtas na agad ito sa kanyang pinagkakabitan!!! Grrrr (trabahong pulpol! %#*•)
Anyway, ngayon ay nilagyan na nila ng makapal at matibay na pole na ni-secure nila sa palibot ng chimney, NA ipinangako nilang hindi na basta bastang masisira ng malakas na hangin - sana naman noh!
Kahit hindi kami mahilig manood ng tv ay namiss din namin ito - isang buwan din yun ah (huwah, ang bilis naman ng panahon!)
Uy teka asan na nga ba yung remote.... Erick!!!!

Sunday, 6 February 2011

Chinese New Year Celebration sa Southampton

Tipikal na British winter day ngayon, madilim, umaambon at malamig.... pero di ito sapat para macancel ang aming lakwatsa - sa city centre lang naman.



ang aking mga boys, very patient na nagaantay sa parada ng Chinese dragon

Ngayon ang celebration ng Chinese New Year dito sa Southampton kaya may mga palabas, dragon dance at kainan. Maraming mga kakilala na nakicelebrate din, himala na nakita namin sila dahil uber dami ng tao.


Masaya ang celebration, ang nakakalola lang ay medyo over excited ata kumuha ng pics at vids ang mga tao! Imbes na antayin ang prosesyon na dumaan sa harap nila, abay sinalubong na nila sa daan! Kaya ang lola nyo na haler, di naman katangkaran ay hirap maki-kodakan!!! Pero oks na rin dahil nung nakita na sila ni Poj e tumahimik at nawala ang pagkainip =) At proud naman kami dahil di sya natakot kahit may lumapit pang dancing dragon sa kanya :-)













Action plan for next year? Magdala ng hagdanan, manghiram ng paparazzi lens sa kaibigan o sa London na lang maki-celebrate? Wadyuthink?


Thursday, 3 February 2011

Double trouble

Haynakowski! Mukhang kaylangan ko yung reinforcement ngayon ah =(
Masama ang pakiramdam ni Ama, tapos may sompi si Jace. Gusto nya lang ba umiyak? Sabi nya "baba" pagbaba namin, umiyak sya. Humingi ng cheese stick at 2 pots ng yogurt, tapos naiinich sa akin kasi di nya mahawakan sa kanyang tiny hands! Tapos sabi nya "open" so binuksan ko yung yogurt, pero ayaw naman gusto daw "dede!"
Huwaaaah!

Sabi ko sige bigyan ko sya lahat ng gusto nya at kain muna ako hapunan, ayaw! May sompi sya so bawal ako kain, ganun?!
Iniakyat ko ulit at binasahan ng libro kaso nakita ang kanyang writing board at gusto ata akong bigyan ng written instructions!
Pagkatapos magsulat ng isang nobela, makaubos ng cheese stick, yogurt, dede at isang baldeng luha.... Opo, nakatulog din si Poj
So ibig bang sabihin nito pwede nako kumain at matulog?
Oh if only, kaylangan pa pong magaral ng lola para sa exam next week!!!!
Teka makataya muna sa lotto....

Tuesday, 1 February 2011

Ilang artworks ni Poj




Sa mga panahon na nakakapagod at gusto kong sumigaw ng REINFORCEMENT please at kapag minsan na naloloka ka na sa mga gastusin at iniisip mo ang mahal ng bayad sa nursery, grrr... Uuwi ng aming batuting na may mga bagong salitang alam, may mga kwento ang carers ng mga pagpa-bibo nya at maguuwi sya ng mga artworks nya.... Haay, sulit ang mga pagod, sakripisyo, gastos lalo na pag sinalubong ka nya ng "Wov u"
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...