Monday, 28 February 2011

Pagaling ka Pogi-Pojpoj

Kaylan ba matatapos ang streak ng sakit namin? Di naman major-major, pero ilang linggo na rin naming pinapayaman ang tissue company dahil sa sipon namin. At gaano na kaya naalarma ang kapitbahay na baka nag-aalaga na kami ng mga aso sa lakas ng "coughing competition" naming tatlo? Isama mo na rin dyan ang mala-bedroom voice namin - salamat sa pagkapaos at sakit ng lalamunan .…

At tanong ko lang kung bakit naman kaya hindi o ayaw gawing masarap para sa bata ang mga gamot? Bakit kaylangan na colored pink nga pero grabe naman sa kapaitan ang lasa. Sabi ko pa naman kay Poj, masarap ito, parang vitamins lang. Pero pagtikim ko,yuck! Ang paet much a!!! So dapat naka anti-biotic sya ng every 6 hours, pero tuwing pagkatapos ng drama ng pagpapainom e inilalabas lang nya ito. Opo, kaloka!


Bukas balik clinic kami para papalitan ang riseta. Dapat maalala kong dalhin yung gamot para kapag di pumayag si dokie e ipapatikim ko ito sa kanya. Promise, ganun sya kapait na pwede na akong magluto ng ampalaya con karne ala Flucloxacillin! Again, kaloka!


Hay sana naman po, Sana naman ay gumaling na lahat lalo na si Poj. Hirap talagang magkasakit

3 comments:

  1. si pojpoj ba yung baby na nasa pic? ang cute naman...sana nga gumaling na sya soon. so nakatira kau sa uk? kainggit naman..hehe..salamat sa pagbisita sa munti kong blog.

    ReplyDelete
  2. get well soon..

    ReplyDelete
  3. @asibok : yup si Poj/Jace yung nasa pic. Thanks & he's feeling a lot better na, thank goodness. Opo, asa UK kami, medyo taghirap din dito ngayon e. Walang anuman po, salamat din =)

    @mommy-razz : thanks a lot =)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...