Para sa nabayaran kong magbasa ng nauna kong post, success naman po ang aking attempt sa Maja blanca. Nagover acting lang ang lola na sobrang aga ito ginawa e gabi pa naman ang beerday celebration. Kaya nung may oras pa eh gumawa na lang ako ng puto, at nanalangin na sana ay may handang pansit o dinuguan - para naman di maging out of place ang dala kong puto. At eksakto naman na parehong meron! O diba, ang ganda ko, este ang galing ko pala!!
ang bday celebrant at ang kanyang labs |
ang ilan sa mga bisita |
ang ilan sa mga kids at si Jace =) |
Masaya ang selebrasyon ng kaarawan ng aming kaibigang si Mercury. Tulad ng inaasahan sa isang handaang pinoy, maraming pagkain, inumin, tawanan at kwentuhan. Isama mo na rin ang sayawan sa tulong ng kanilang Xbox kinect. Hindi ako magtataka kung hanggang ngayon ay kinukulit pa rin ng mga batang andun sa party ang kanilang mga magulang na ibili sila nito. Kwela syang laruin at meron ka na talagang freedom gumalaw dahil wala ng wires o kahit na anong hawak. Buti na lang at baby pa si Poj at di pa nya alam ang mga nangyayari... at sana pag laki nya e laos na ang mga game consoles (talaga? ang mean naman ni Ina)!
At hindi pa nga kami nakakauwi ay meron na namang imbitasyon para sa isang burpday party sa sabado! Wow, feeling popular, haba ng hair ko!?! taray kaliwa't kanan ba ang mga imbitasyon? Pero eto, handaan na naman ng kaibigang pinoy kaya patay na naman ang diet, uumpisahan na naman sa susunod na linggo. Malamang nito, lalaki na si Poj at di pa ako nakakaumpisa at sya na ang pipigil sa aking kumain! Kung honest ako, hindi ito malayong mangyari!
Hmmm, ano kayang dessert ang dadalhin namin sa sabado?
heheh! I'm sure by the time your kid could talk and want stuff, XBox would be out of the market. But there will be probably something more expensive by that time LOL! I want to learn how to cook puto too :)
ReplyDeleteHaha, oo nga eh. Naku dapat maaga syang turuan maghanap ng work ;) lol
ReplyDeletehey, 2 ways of making puto, if you have time & is pretty organized, do it properly (sa internet ko lang nakuha recipe). And if it's a spur of the moment thing or in a rush, you could use the puto mix. i tried them both & peeps seem to like them =)
haha monday pa lang iniisip na agad ang weekend. =P
ReplyDelete@ Christian, hehehe. Ganun talaga, kapag weekend pahinga sa trabaho at sa pagi-english!
ReplyDelete