Monday, 14 February 2011

Valentine's Day Na Naman

Happy valentine's day sa lahat.
Naalala ko noong maliit pa ako tuwing sasapit ang araw na ito ay gagawa kami ng mga heart shaped cards at ibibigay sa mga teachers at classmates namin. Diba parang mas meaningful kasi alam mong pinaghirapan yun at unique - no two cards are alike!
Noong papunta ako sa trabaho kahapon ay muntik na akong mabulag sa isang mala-explosion na pula sa kapaligiran! (medyo OA ah, pero you get the idea). Yung isang ale di na magkanda ugaga sa pagpasok ng kahon-kahong long stemmed na rosas sa tindahan nya mula sa kanyang van. At isama nyo na ang mga nagtatamisang tsokolate, iba't ibang size na cards at mga napakacute na stuff toys - lahat ay nagkakahalaga ng ££££
Wala namang masama sa lahat ng ito, kung para naman sa mahal mo at lalong lalo na kung afford mo at Kung ang trip nyo ay ang magcelebrate ng isang araw na pagkabonggang bongga! Bilib lang ako na pagkatapos ng pasko at bagong taon, isama mo na dyan ang pyesta ng Sto NiƱo ay may budget pa ang iba para dito.
Kami, we kept it simple this year - dinner sa bahay at gagawa kami ni Jace ng cards para sa carers nya sa nursery. At kelan ang date, pwede bukas o pwede sa susunod na weekend, pagdina mahaba ang reservation o pila at pag dina doble ang bayad sa restawrant =)




Kuripot? Pwede... Praktikal? Pwede, Oo!!!

4 comments:

  1. Unfortunately mahal nga kung pounds pa rin ang bayad hehe ^^,

    ReplyDelete
  2. Hehehe, well asa recession ang UK so medyo mahal talaga lahat, but they tend to jack up meals sa resto on this special day. i suppose valid, para makabawi sa negosyo. kaming mga lola na sa ibang araw na lang, hehe =)

    ReplyDelete
  3. hi there, care for link exhange?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...