Tuesday, 28 June 2011

Musikero Ako!

 


6 months
Baby pa lang si Poj ay nagpapakita na sya ng pagkahilig sa music. Nuong nakamaternity leave ako ay lagi kaming pumupunta sa mga nursery rhymes &  story telling time sa library at in-enroll ko rin sya sa Baby Sensory. Ang Baby Sensory ay isang development class para sa parents at baby kung saan may 40 themed lesson plan sila kaya every week ay may ibang nae-experience ang babies. Isang oras ito ng singing, dancing with props at baby sign language.  


1 yr & 3 months
Hindi ko alam kung dito nanggaling ang pagkahilig ni Poj sa music pero kahit noong maliit pa lang sya ay mahilig na syang sumayaw at maglaro ng piano. Tahimik din syang nakikinig kapag nanonood kami ng American Idol o UK X Factor, at pumapalakpak pagnatapos ang bawat kanta! 


Soon enough ay nagha-hum na sya sa mga kanta =) 


At noong may napanood sya sa YouTube na isang batang Korean na naggi-gitara at kumakanta ng Hey Jude, ay ito naman ang gustong subukan!  At dahil we were told to encourage his interests ay suporta naman kami...

1 yr & 6 months


    
Wish lang namin ay makalakihan nya ang hilig nya sa music.  Si lolo nya kasi marunong tumugtog ng gitara at sax at kumakanta rin. Kami naman ni Papa Erick ay mahilig din sa music pero nung dumaan ang fairy ng talent ay natutulog ata kami kaya di kami nabiyayaan! 
                                                 

Sunday, 26 June 2011

Alton Towers Resort




Dahil parang celebrity si Poj para sa amin kung kaya't isang linggo ang celebration, hindi lang yung Day Out With Thomas ang gimmick namin para sa kanya.  A few days bago ang big day ay bumyahe kami ng 191 miles (3 hrs at 40mins) patungong Alton Towers Resort. Dahil malayo ito ay nagdecide kaming magstay dito ng 3 nights para sulitin ang byahe. 2 days kami sa theme park at 1 day sa kanilang indoor water theme park.
Relax ang naging approach namin sa unang araw namin doon. Di gaanong maaga dumating at nagconcentrate sa isang section ng park. Hindi makedecide ang ulan kung gusto nyang bumuhos o hindi kaya di gaanong matao. Sulit si Poj sa mga rides dahil walang mga  kaagaw, hehehe... happy boy!





Noong 2ng day ay finally nakapagdesisyon na ang ulan na ibibigay todo nya ang pagbagsak, parang pambawi sa pagiging fickle minded nya the previous day. Buti na lang ay indoor ang water theme park! Kaya malakas man ang ulan ay protektado kami sa loob at enjoy sa heated pools. Limited lang ang mga taong pinapayagang pumasok (prebooked ang tickets namin) kaya't di gaanong matao. Super enjoy kaming lahat dahil may mga slides na patok sa lahat ng edad =)  Only downside eh bawal ang pikchure-pikchuran, booooo =(




Yung 3rd day ay maaraw na sa wakas. Nilibot na namin ang buong park at nagmental note ng mga rides na babalikan namin next time pagmas malaki na si Poj. Hindi pa rin masyadong maraming tao dahil week before the spring break. Perfect timing at perfect weather. Walang pila sa mga rides... so many rides at kahit 2 days sa park...still too little time!




Malaki ang park at di talaga kayang malibot ng isang araw lang. Sa sobrang lawak ng parking space ay kaylangan mong sumakay sa train (Monorail) para makarating sa entrance ng park. May dalawang sections din ang park kung saan pwede kang sumakay sa  cable car (Skyride) kung gusto mong iwasan ang mahabang lakaran at maenjoy ang view. Next time na pagpasyal doon, I'll be taking pics of the adult rides =)




Thursday, 23 June 2011

Jace Turns 2 =)

Almost 3 years ago, habang asa dinner ako kasama ang mga kaibigan ko ay tinext ko si Papa Erick na bumili ng preg test kit.  Alam kong late ako at may ibang nararamdaman.  Syempre paguwi ko nung hinanap ko yung kit eh wala - ang lolo mo ay hindi bumili kasi antok na daw sya! Kaya pinabangon ko sya at pinabili sa tindahan ni Manong Tesco sa Spring Road, Southampton (akalain mo, hindi excited bumili?!).

Nung nagtest ako, akala ko e naduduling lang ako sa antok nung may nakitang may dalawang linya. Kaya't para sigurado e nagtest pa ulit ako. (Hindi dahil buy one get one ang preg test kit, kundi OA lang ako). At ganun ulit ang resulta, hehe, at this time e ni-share ko na kay Papa Erick ang good news. Halos hindi na kami nakatulog nung gabing yun sa saya...


Medyo may mga challenges ang early pregnancy at hindi straight forward ang labor... pero lahat ng ito ay sulit, sa bawat araw lalong nagiging special. At ngayon ay 2 years old na sya, marami na agad memories at sobrang nilolook forward namin ang maraming-marami pang darating....


Ayan po ang history.... at eto naman po ang current events....


Medyo adik adik lang naman si Poj kay Thomas at sa kanyang mga Friends kaya pinasya namin na icelebrate ito ng may Thomas theme. Nagpunta kami sa Eastleigh Lakeside Railway kung saan may "Day Out With Thomas" event sila. Ang lola mo ang super excited nung makuha namin ang tickets sa post, at kahit parang gustong sirain ng lamig at ulan ang araw na yun eh mas malakas pa rin ang powers ni Thomas.

Sa gate pa lang mega excited na!
Syempre excited, sakay agad nung tumalikod yung driver =)
Sobrang tuwa ni Jace nung makita ang mga trains. Sumisigaw ng yay at Thomas Thomas! Kitang kita sa mga mata nya ang pagka-excited.  


Super excited sa 1st ride of the day, peep peep... All aboard!

Usually eh medyo shy pero nung araw na yun ay game na nakikipila sa pagsali sa mga activities. 

Feel na feel din nya ang kanyang certificate after tumulong magrefill ng tubig sa tank ni Thomas
Photo op ulit after mapuno ng tubig si Thomas
Opo, si Jace yung super excited  sa picture na yun sa dulo!
Merong mga story reading, puppet shows, drawing coloring at temporary tattoos. Syempre hindi nagpahuli si Poj sa lahat ng ito! Sulit =)
Cool! =)
At nang matapos ang excitement ni Thomas train e Thomas food naman. Apart sa Thomas cake ay may ginawa rin akong Thomas cup cake na medyo kinaaliwan ng mag-ama kaya't dalawa na lang ang nagsurvive to make it to our picnic!


At kung may birthday syempre may chibog!
Dahil adik, ayan puro Thomas
At nung nagbadya ang ulan ay inuwi na lang namin ang mga food pagkatapos ni Poj maglaro sa play area.

Uber happy din sya sa mga birthday gifts na natanggap lalo na sa Thomas rail set na bigay ni lola, teyn chu po!





 Happy 2nd birthday Jace Ethan! We wish for many many more birthdays to come as well as good health, & we pray that you continue to be a good & loving child. Wuv u =) 

Monday, 20 June 2011

Happy Father's Day

Happy Father's Day to very special men in our lives. 

Daddy, you have been our role model, provider, teacher, friend, confidant, our inspiration.... we love you very much. Maraming salamat sa lahat ng pagaaruga ninyo sa amin. 


At sa aking nakababatang kapatid, alam kong ine-enjoy mo ang pagiging daddy & I bet you're doing great. Kahit malayo kami sa inyo ay palagi pa rin namin kayong naiisip. We love you & miss you so much!



Ama, Jace may be too young to greet you today, pero I would like to let you know that you are a brilliant father. You were always good with kids and I know how happy you are now that you have one of your own. Thank you for being such a wonderful father to Jace. Wuv u  =)


Happy Father's Day sa inyo at sa lahat ng mga Daddy, Tatay, Itay, Ama at Papa =)

Friday, 17 June 2011

Mga Banat Ni Jace!

Namiss ko naman ang pagboblog pero muntik ng kumulot ang buhok ko sa sobrang ka-busyhan! Pero eto na at sa wakas nakahawak ulit ng computer...


Alam kong palagi ko naman itong sinasabi pero naloloka talaga ako sa bilis ng paglipas ng panahon!

Idinaos na namin ang birthday ni Poj at minsan di ako makapaniwala na 2 years old na sya. E dati inaantay ko lang ang due date namin e...

Ngayon nga ay di na makakaila na hindi na sya baby (though para sa akin, he'll always be my baby). Maliban sa pisikal na pagbabago, mabilis tumakbo, halos kumpletong ngipin, pagkain ng mag-isa, ang pag-insist na sa baso iinom, etc; ang kanyang mga ginagawa at nasasabi ay clear indication din ng paglaki nya.

Ngayon ay may opinion na sya kung kelan dapat magjacket, magsumbrero at magsapatos (at take note, pati kung aling sapatos).
Nagaaya na ring lumabas para mamasyal! 





Mga nakakaaliw na pagsayaw, pagkanta (at take note, kaylangan ay may mic, kaloka!) at pagtugtog ng tambol, piano o gitara. Wow, total performer ang Poj ko?!

Nagsasabi na kung gustong kumain at uminom ng gatas o tubig (kaloka lang kapag nagdemand kumain ng mga 2am....! Mga moments na gusto kong mag Wish Ko Lang ng Yaya!

Ngayon ay tinatawag na nya kaming mommy at daddy pag asa nursery sya pero Ina (pronounced as Ana) at Ama sa bahay. Parang alam na nya kung kelan gagamitin ang alin.

Ang isa pang naloloka ako ay ang pagsabi nya ng "yeah" imbes na yes!  Saan nanggaling ito? Syempre itinuturo namin ang pagsagot ng opo... We're getting there, i think. Pero ang pagsagot ng "Yeah!" Grrr,  diko talaga type. Haaaay.

May mga banat na rin syang "bye friends" kapag nagpapaalam sa mga kalaro sa nursery kapag
susunduin na sya at alam na rin nya ang mga pangalan nila! Andyan ang pagsabi nya ng "aaaahm" bago sagutin ang tanong mo, Anong color or number ni Thomas the train, Aaaahm blue or aaaahm one! Ok, kunyari talagang pinagiisipan muna bago sumagot, hehe!

Syempre ang pinaka ok sa lahat ay ang pagtulog nya ng magisa sa kwarto nya with the lights out! =)

Madami pang mga developments at pabibo na nakakatuwang makita. Ang bilis ng panahon! Nagiging big boy na ang baby ko.....





Birthday pics ni Poj to follow  =)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...