Tuesday 12 July 2011

eBay Virgin

Ilang buwan na ring natutulog si Poj ng magisa sa kwarto nya. Sa mattress lang namin sya pinapatulog dahil ayaw namin syang bilhan ng bed hangga't sigurado kaming tutulugan nya ito. For a long time e kumbinsido kami na sa tabi na namin sya matutulog hanggang magbinata na sya.... ay hindi naman, mga 7 lang pala. 


So ngayon ay 2 na sya at natutulog ng magisa sa kwarto nya ay nagumpisa na ang bedhunt. At ano pa nga ba ang naisip naming perfect kundi .... correct! Thomas the tank engine bed!!!


Kaya't nagsign up ako sa ebay at nagbid. Natalo ako sa unang attempt pero naghanap ulit. Di prepared ang lola na magbayad ng mega £ para sa bed kaya't kaylangang maghanap ulit.  Nakahanap naman kami, swerte nga at mas malapit pa dito ang seller! Haaay, muntik ko na ngang makalimutang magbid, 8 minutes na lang nung naalala ko, kaloka diba?! But we got there in the end at swerte din na pumayag ang kaibigan naming si Tantan na samahan si Papa erick sa pagkolekta ng bed. 


Si Poj mega excited sa kanyang Thomas bed!
Hmm, kaylangang mag-ingat, kaka-excite pala manalo sa ebay lalo na sa presyong gusto mo. Haha, baka ma-addict ang lola at maloka si Papa Erick!!!

13 comments:

  1. aaayy ang cute cute ng higaan ni poj.. super cute talaga!! miss you kalokang pinay..

    ReplyDelete
  2. haha.. ang cute naman ng bed. sana ikaw na lang naging mommy ko para cute din ang bed ko nung bata ako. hehe..

    uu nakaka-addik ang ebay, kaya be careful baka atakihin si papa erick. haha..

    ReplyDelete
  3. aprang gusto ko yng higaan ni poj...hahaha

    naaddik rin ako sa ebay at bongellia ang resulta hindi mgnda pag sobra...hahaha


    happy blogging:)

    ReplyDelete
  4. nice the bed ;) so cute! thanks for dropping by my blog. nice to meet you!

    ReplyDelete
  5. weee! That's a very cute bed! :D

    Btw, thanks for visiting my site :D

    ReplyDelete
  6. ay ang cute naman nung bed, nakakatuwa! re ebay, never ko pang natry.

    ReplyDelete
  7. @ Mommy-razz, miss you too mommy! sinisingit-singit ko lang ang pagboblog kapag pinapayagan ako ni Poj eh =)

    @ Mayen, hehe... kung walang eBay baka wala rin syang bed na ganun! At oo, careful ako not to get carried away, it's easily done =)

    @ Sunny Toast, thanks =) hehe, kaya dapat wag na masyadong maglog in coz you're sure to find something you'll like =)

    Thanks a lot Mathea & Tina =)


    @Marjorie, thanks. He's loves it! Hmmm re eBay, there are bargains out there, isa na nga itong bed na ito, it really was a steal. Pero I've heard from friends who've been buying from eBay for a long time na may mga mahal din, kaya dapat alam mo ang totoong price na ibibid mo =)

    ReplyDelete
  8. ako din diko pa natry magbid sa ebay, patingin tingin lang. hay, super cute nga ng bed ng li'l boy nyo! ewan ko ba evrsince na adik ang li'l boy ko sa thomas pati ako i was into it na rin hehe.

    ReplyDelete
  9. Hahaha! Iba talaga ang dating ni Thomas! Hindi ko talaga kaya ang brand new nitong bed na ito eh, kaya napilitan akong mag eBay & it was a good decision. Dati kasi before I bought this bed sa mattress lang sya sleep pero inuubo sya, ngayon hindi na. And he naps more regularly na rin after playing, kaya sulit! ✿

    ReplyDelete
  10. wow! happy kid with her thomas bed :) teka lang, so you were co-sleeping till he was 2? and now he's sleeping on his own bed... wow, nabuhay ang pag-asa ko hehe. Sana ganyan din ang aking mahal na anak. She's 15months now and we're still co-sleeping.

    Spanish Pinay

    ReplyDelete
  11. Oo naman! Don't worry, it'll happen =)
    When he was 20 months old i redecorated his room, put his baby toys in a big box & i took out all his new toys. Nakahilera sila sa mesa nya & sa may bintana. Then to begin with i put his mattress on the floor (ayaw nya kasi yung cot nya e). He said wow when he saw his room & said "dito sleep" & that's what he did. Then after his birthdsy naghanap na kami ng bed & he sleeps there now kahit sa afternoon nap nya =) good luck, you'll get there too xxx

    ReplyDelete
  12. wow! ganda ng bed ni poj. pero for sure, mahal yan dito sa ph. hahaha! butas ang bulsa ko pag yan ang pinalit ko sa sofabed niya. =)

    ReplyDelete
  13. @michi ahaha, mahal din sya dito kaya nga sa eBay lang ako bumili. Swerte lang na isa lang nakalaban sa bidding at maaga syang nagback out. So I got it for less than 78% ng brand new price, not bad! =)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...