Finally! Nakuha ko na rin sa wakas ang package galing sa Pinas na pinadala ng Ate ko. Super excited ako ng makuha ko sya - you guys know how I love posts/parcels, right?
Hindi naman ako big on make up, bare lang lagi kapag pumapasok sa trabaho. Feeling ko kasi asa ward lang naman ako, no point magpaka-glam, hehe. At kapag lumalabas naman usually ay face powder lang at lipstick para may konting kulay ang lola. Nagpromise na nga ang isang kasama ko sa trabaho na tuturuan nya akong magmake up - naawa ata kasi ang putla ko palagi!
Kaya eto, uumpisahan ko ng ibuild ang kikay kit ko.
I've never owned a bright red lipstick before.
I really heart this pink lip gloss =)
Hindi ko pa alam kung paano gamitin ang mga ito, sad I know pero di bale aaralin ko sya this year =)
Thanks to my super bait na ate for these at thanks din kay Celine sa pagbitbit nito for me, mwah mwah tsup tsup =)