Kami ay naki-burpday party kahapon sa aming kaibigang si George. Kung ilang taon na sya ay hindi ko na babanggitin - don't say bad words sa blog ko, haha! But one thing's for sure, we had a fantastic time yesterday!
December pa kami huling nagkita-kita at tulad ng dati ang araw ay puno ng kumustahan, kwentuhan, tawanan at syempre kainan.
Ang hindi nakasama sa pictures ay ang mga prutas na nakahain sa mesa pagdating namin(grapes, strawberries, blueberries, oranges, melon at mangoes), ang chicken wings at chicken nuggets para sa mga chikitings, ang fruit salad, cassava cake at home made puto =)
Dahil busy ang lahat sa kwentuhan ay hindi masyadong maraming kodakan ang nangyari. Ni hindi ko nga nadala ang camera ko - thank heavens for camera phone kundi walang ebidensya na naghanda si George - baka singilin namin ulit sya ng handaan! lol
At ang mga pics na super like ko, ang blowing ng candles kung saan pinalibutan ang celebrant ng mga chikitings na tumulong sa kanya just in case di nya kaya iblow magisa sa dami ng kandila - joke, peace po Tito George, lol =)
Like ko rin ang storytime nila Tito James, Poj at Jasmer. Super sweet din ang mag-kinakapatid na sila Poj at Kian sa panonood ng Thomas movie. Sayang lang na hindi ko nakuhaan ng pic ang kulitan nila Poj at Cayden (sya ang cute boy na katabi ni Poj sa blowing of candles, sya rin ang kuya ni Kian).
Super saya talaga kapag nagkikita ng ganito. Thanks ulit George, happy birthday! Kelan nga ulit ang susunod na pagkikita natin?
