Hindi na naman makatulog at inatake na naman ng insomnia ang lola! Buti na lang at tulog na ang aking mga boys. Pagod pareho at may work pa si Ama mamaya....
Nagkita-kita kanina ang magkakaibigan. Nakumpleto sa wakas after a long while. Bakit kaya mas nakukumpleto ang lahat kapag impromptu ang gimmick!
Ilaichi resto sa Galleria ang naging destinasyon. Multi-cuisine (Italian, TexMex, Spanish, Chinese, Indian and Thai) na eat as much as you want.
Sarap naman ng food, may enough choices, medyo pricey ang inumin pero may voucher kami so libre, ;) Ang mga food ay mainit at laging nare-refill. At sabi ni Jace, yummy daw ang dessert :)
Ang staff medyo masungit at sa unang pagkakataon, siningil ang mga bata ng "baby meal!" 1/3 sya ng presyo ng pangmatanda. At kahit di kumain ang isang chikiting na kasama namin ay kaylangan daw talagang magbayad (ganun) At kung sabihin mo ngang kumain, gaano ba kadami ang kayang maubos ng less than 2 years old? Hmmmm.... Sige na nga!
Welcome back po ulit kay Tita Dhallie, ang aming balik bayan, hehehe. At syempre tsansa na rin namin makumusta ang aming kaibigan na si Celinederella na na-miss namin nung pasko (pagaling ka po at patuloy ka naming pinagdarasal). At syempre it's always good to see her mom who's looking very well.
Sarap din maka-catch up kila Che, George (thank you po sa gift ni Poji, bagay!), El, Merc (na laki ng pinayat, woot woot!), Tan, kuya Cayden at Chichay na malapit ng manganak :)
Sa uulitin!
Monday, 31 January 2011
Saturday, 29 January 2011
Kulang lang sa pakiusap!
Dati ay ayaw na ayaw ni Poj na natutulog sa nursery kapag naptime. Sabi ng mga carers nya halos lahat daw ng mga bata tulog pero si Jace daw tumatakbo palayo ng sleeping area at sumisigaw ng Nooooo!
Kaya naman pagkaandar pa lang ng sasakyan sa tuwing susunduin sya ay nakakatulog na agad sa pagod. At pagkauwi ay nagwawala kasi nagigising sya sa tuwing ipapasok na sa bahay - haaay, bang trip na naman si bossing!
Simula nitong Wednesday, sinubukan ni Ama na kausapin sya bago iakyat sa nursery. Sinasabihan nya ng "matulog ka ngayon ah". At pagkahatid ko kay Poj ay kinausap ko rin ang carer nya sa nursery at sabi ko kung pwedeng subukan na kapag papatulugin sya e sabihin lang na sleep na then i-action or imimic yung sleep.
At isang himala, natulog nga si Poj! At ginawa namin ito ng buong linggo at araw araw ay natulog sya sa nursery!
Ang routine nya kasi sa bahay tuwing bago matulog: Sasabihin ko na tulog na kami (imi-mimic ko din sleep) at gagayahin nya ako. Tapos magaaya na yan sa taas at sasabihin kay Ama nya "nyt nyt." Pagdating sa taas hihiga na sya at matutulog pagkatapos mabasahan ng isang libro nya.
Naintindihan kaya nya ang pakiusap ni Ama? O nung pinagaya namin ang routine sa bahay? Alin man doon ay happy bunny si Ina na sa wakas ay natutulog na si Poj sa nursery!!!
Kaloka! Oo nga naman, wala naman kaming sinabing matulog sya dati e! grrr ;)

Friday, 28 January 2011
Thursday, 27 January 2011
Mga taong sobrang nakaka-aliw, sarap tirisin!
Diba nakaka-inich ang taong mahilig magiwan ng message na "Asan ka, may sasabihin sana ako sayo e?" pagkatapos ay pababayaanl ang mensaheng iyan ng walang kasunod, minsan pa pababayaan ng ilang araw!
At wala rin yang pinagkaiba, kung hindi man mas malala pa kung ang iwanang message sayo e "may itatanong sana ako." and again, walang kasunod! Ano ba ang nangyari?
Ano ba ito? Basta hanging question lang ang drama nito? Naputol ba ang wifi, nakidlatan ka ba o nagbrown out kaya? Mas ok kasi sana kung banggitin ang mismong pakay sa iyo para naman di ka maloka sa kakaisip, diva?
E yung mga taong tinatawag mo tapos sasabihin sayo, "I'll be there in a minute" o kaya "I'll be there in a sec" tapos magiisang oras na wala pa! Buti na lang I didn't hold my breath!!!
Tapos diva nakakasuperdooper aliw ang mga tao na kapag binati mo ng "Good morning" sa coridor e dadaanan ka lang, parang walang nakita o narining. Tapos mamayang hapon ay biglang lalapit sa iyo na nakangiti hanggang teynga kasi may kaylangan sayo?!
At ang isa pang cute na tao e yung naginvite sa yo para maging friend sa FB, tapos i-unfriend ka, tapos mamaya-maya ini-invite ka ulit, with matching poke at email pa! Ano yun para may activity o movement lang ang profile mo? Wow pren (or ex-pren) get a life!!!

Wednesday, 26 January 2011
Filipino O English?
Maraming nagtatanong sa amin kung ano ang salita na ginagamit namin sa bahay o anong salita ang itinuturo namin kay Poj. Kalokang tanong naman yun, e di syempre Tagalog!
Natututo naman sya ng english sa nursery/day care and soon puro English na lang kapag pumapasok na sya sa eskwela. Pero sa bahay Tagalog ang salita nya. Ito rin ang advice sa amin ng kanyang Health visitor. Naku mahirap na baka mabenta ito sa Pinas kasi di nakakaintindi ng Tagalog!
Kaya kapag nanonood si Ama ng eat bulaga, malakas pa sa contestant kung makasigaw si Poj ng pwede, Oo o hindi sa Pinoy Henyo!
Sana nga makalakihan nyang magsalita ng ating sariling wika, para din mas madaling madisiplina at maturuan ng Filipino values at tradition. Tsaka, di ba kaloka naman yun kung tuwing kakausapin namin sya isa sa amin dapat pang magtranslate?!

Tuesday, 25 January 2011
No Satellite Signal
Walang satellite signal ang sky namin at sa 7th Feb ang soonest na naibigay na sked para sa pagpunta ng engineer.... oh my judge (ika nga ni poj!). At ng tanungin ko kung anong oras, ang sabi sa akin on the day ko daw malalaman, their way of saying na pagnagdoor bell na edi andyan na sila!
Baka naman kaya ko naisipan magsulat kasi walang tv? Buti na lang hindi internet ang nawala, baka lalo ako naloka!
Ok lang naman na walang tv until then. Buti nga di mahilig si Poj manood kahit cartoons.
Pero ibig sabihin wala lang kaming date ni eric (take away at kung anong palabas na narecord namin sa sky box lang ang date namin on a friday night) ang swet ba? o ang corina?!
Buti na lang irerefund daw sa account ko yung mga araw na wala akong signal. Kaso premium number naman ang contact number nila so balik lang sa kanila yung refund, may utang pa ako!
Fingers crossed at isama mo na rin ang toes at braided hair ko na maayos na nila ano man ang problema sa feb 7th!

Ilan gusto mo?
Dalawa lang kami nung nagumpisa, at pagkalipas ng ilang taon ay nabiyayaan din ng isang napakacute at napakakulit na batuting!
Para sa mga makukulit na concerned friends na laging nagtatanong kung kelan daw susundan si Poj, ang mabilis na sagot ay malaking EWAN! Sinabi ko na naman na may katamaran ang lola, at kasama na dyan ang pagpaplano ng pagkakaroon ng anak. Opo, di po namin pinlano na sa ganung buwan ay mabuntis at sa ganung buwan ay manganak. Si Poj ay isang napakagandang blessing sa amin. Sa ngayon ay happy kami at kuntento. Maligaya din na ang lahat ng attention namin ay nabibigay namin sa kanya.
So para dun sa mga gusto pa rin mangulit.... Kung isu-subsidise nila ang pagpapa-nursery o day care ng bata sa halagang £500 kada buwan, edi sige. Sagot ko na ang breastmilk!!!

Monday, 24 January 2011
Sino kaw?
Nagising na lang ako kaninang umaga na gusto ko magsulat (o magtype). Kaloka! Sa panahon na pakonti na daw nagbo-blog at nagbabasa nito ay ginanahan naman ako. May blog na ako dati pero tinigil ko nung preggy kami at nawalan ng panahon. Pero ngayon medyo malaki na si Poj, pwede na nya alagaan sarili nya (lol, joke) at ako naman pwede na ulit humawak ng computer.
Malamang wala na ngang babasa nito but im hoping na buhay pa ang blogger paglaki ng anak ko para mabasa nya kung gaano kalokaret ang nanay nya.
Sino ba kami? Parte kami ng mga bagong bayani (o taksil sa lupang sinilangan, whichever way you want to put it) na patuloy na nakikipagsapalaran dito sa ibang bayan. Nung nagresign ako sa trabaho ko sa Pinas ang sinabi kong dahilan ay "to seek greener pasture" na totoo naman. Pero ang isa pang malaking dahilan nyan ay sa takot nang mahold-up ako sa Maynila ng ala-syete ng umaga! Opo, ganun ka aga, habang nagaalmusal pa lang ang sangbayanan ay double time naman si manong at may nakuhang kalahating buwang sweldo ko! uhmmm, dun kaya nagumpisa ang pagkaloka-loka ko?
Kapag tinatanong kami ng mga tao kung uuwi pa kami - mabilis na sagot ay oo. Kelan? Iyan ang tanong! Sapat na ba na si Pnoy na ang lider ng Pinas para bumalik na kami? Kaso nung nagtingin ako ng trabaho 27 daw ang age limit. Aray ko po! Matagal na kami lagpas dun!!! So ang maikling sagot sa tanong na yun ay => matatagalan pa :-(

Subscribe to:
Posts (Atom)