Dati ay ayaw na ayaw ni Poj na natutulog sa nursery kapag naptime. Sabi ng mga carers nya halos lahat daw ng mga bata tulog pero si Jace daw tumatakbo palayo ng sleeping area at sumisigaw ng Nooooo!
Kaya naman pagkaandar pa lang ng sasakyan sa tuwing susunduin sya ay nakakatulog na agad sa pagod. At pagkauwi ay nagwawala kasi nagigising sya sa tuwing ipapasok na sa bahay - haaay, bang trip na naman si bossing!
Simula nitong Wednesday, sinubukan ni Ama na kausapin sya bago iakyat sa nursery. Sinasabihan nya ng "matulog ka ngayon ah". At pagkahatid ko kay Poj ay kinausap ko rin ang carer nya sa nursery at sabi ko kung pwedeng subukan na kapag papatulugin sya e sabihin lang na sleep na then i-action or imimic yung sleep.
At isang himala, natulog nga si Poj! At ginawa namin ito ng buong linggo at araw araw ay natulog sya sa nursery!
Ang routine nya kasi sa bahay tuwing bago matulog: Sasabihin ko na tulog na kami (imi-mimic ko din sleep) at gagayahin nya ako. Tapos magaaya na yan sa taas at sasabihin kay Ama nya "nyt nyt." Pagdating sa taas hihiga na sya at matutulog pagkatapos mabasahan ng isang libro nya.
Naintindihan kaya nya ang pakiusap ni Ama? O nung pinagaya namin ang routine sa bahay? Alin man doon ay happy bunny si Ina na sa wakas ay natutulog na si Poj sa nursery!!!
Kaloka! Oo nga naman, wala naman kaming sinabing matulog sya dati e! grrr ;)
ayun naman pala eh..ang cute ni Poj!
ReplyDeleteThanks Lelay ❤❤
ReplyDelete