Wednesday, 26 January 2011

Filipino O English?

Maraming nagtatanong sa amin kung ano ang salita na ginagamit namin sa bahay o anong salita ang itinuturo namin kay Poj. Kalokang tanong naman yun, e di syempre Tagalog!


Natututo naman sya ng english sa nursery/day care and soon puro English na lang kapag pumapasok na sya sa eskwela.  Pero sa bahay Tagalog ang salita nya.  Ito rin ang advice sa amin ng kanyang Health visitor. Naku mahirap na baka mabenta ito sa Pinas kasi di nakakaintindi ng Tagalog!


Kaya kapag nanonood si Ama ng eat bulaga, malakas pa sa contestant kung makasigaw si Poj ng pwede, Oo o hindi sa Pinoy Henyo!


Sana nga makalakihan nyang magsalita ng ating sariling wika, para din mas madaling madisiplina at maturuan ng Filipino values at tradition. Tsaka, di ba kaloka naman yun kung tuwing kakausapin namin sya isa sa amin dapat pang magtranslate?!

No comments:

Post a Comment

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...