Nagising na lang ako kaninang umaga na gusto ko magsulat (o magtype). Kaloka! Sa panahon na pakonti na daw nagbo-blog at nagbabasa nito ay ginanahan naman ako. May blog na ako dati pero tinigil ko nung preggy kami at nawalan ng panahon. Pero ngayon medyo malaki na si Poj, pwede na nya alagaan sarili nya (lol, joke) at ako naman pwede na ulit humawak ng computer.
Malamang wala na ngang babasa nito but im hoping na buhay pa ang blogger paglaki ng anak ko para mabasa nya kung gaano kalokaret ang nanay nya.
Sino ba kami? Parte kami ng mga bagong bayani (o taksil sa lupang sinilangan, whichever way you want to put it) na patuloy na nakikipagsapalaran dito sa ibang bayan. Nung nagresign ako sa trabaho ko sa Pinas ang sinabi kong dahilan ay "to seek greener pasture" na totoo naman. Pero ang isa pang malaking dahilan nyan ay sa takot nang mahold-up ako sa Maynila ng ala-syete ng umaga! Opo, ganun ka aga, habang nagaalmusal pa lang ang sangbayanan ay double time naman si manong at may nakuhang kalahating buwang sweldo ko! uhmmm, dun kaya nagumpisa ang pagkaloka-loka ko?
Kapag tinatanong kami ng mga tao kung uuwi pa kami - mabilis na sagot ay oo. Kelan? Iyan ang tanong! Sapat na ba na si Pnoy na ang lider ng Pinas para bumalik na kami? Kaso nung nagtingin ako ng trabaho 27 daw ang age limit. Aray ko po! Matagal na kami lagpas dun!!! So ang maikling sagot sa tanong na yun ay => matatagalan pa :-(
at sinumunlan ko talgang kilalanin ang aking bagong online friend =)
ReplyDeletethanks Lelay! =) ❤❤❤
ReplyDelete