Hindi na naman makatulog at inatake na naman ng insomnia ang lola! Buti na lang at tulog na ang aking mga boys. Pagod pareho at may work pa si Ama mamaya....
Nagkita-kita kanina ang magkakaibigan. Nakumpleto sa wakas after a long while. Bakit kaya mas nakukumpleto ang lahat kapag impromptu ang gimmick!
Ilaichi resto sa Galleria ang naging destinasyon. Multi-cuisine (Italian, TexMex, Spanish, Chinese, Indian and Thai) na eat as much as you want.
Sarap naman ng food, may enough choices, medyo pricey ang inumin pero may voucher kami so libre, ;) Ang mga food ay mainit at laging nare-refill. At sabi ni Jace, yummy daw ang dessert :)
Ang staff medyo masungit at sa unang pagkakataon, siningil ang mga bata ng "baby meal!" 1/3 sya ng presyo ng pangmatanda. At kahit di kumain ang isang chikiting na kasama namin ay kaylangan daw talagang magbayad (ganun) At kung sabihin mo ngang kumain, gaano ba kadami ang kayang maubos ng less than 2 years old? Hmmmm.... Sige na nga!
Welcome back po ulit kay Tita Dhallie, ang aming balik bayan, hehehe. At syempre tsansa na rin namin makumusta ang aming kaibigan na si Celinederella na na-miss namin nung pasko (pagaling ka po at patuloy ka naming pinagdarasal). At syempre it's always good to see her mom who's looking very well.
Sarap din maka-catch up kila Che, George (thank you po sa gift ni Poji, bagay!), El, Merc (na laki ng pinayat, woot woot!), Tan, kuya Cayden at Chichay na malapit ng manganak :)
Sa uulitin!
No comments:
Post a Comment