Tuesday, 29 March 2011

Legoland



One word to describe the day - success!
2 words, BIG SUCCESS!!!


Dati pa namin planong pumunta ng Legoland pero hindi lang matuloy-tuloy. Maganda ang panahon ngayong weekend kaya't naisip naming sulitin ang aming Merlin annual pass.

Dahil sa sobrang sama ng lasa malungkot  na pansit na nakain ni Papa Erick sa Chessington e naisipan na lang naming magbaon ng picnic. Perfect kasi pwede kaming kumain kahit saan kami abutin ng pagod/gutom at di na kaylangan pang pumila ng pagkahaba-haba.

Maaga kaming nakarating at sa bukana ay namigay sila ng collector's brick para sa 15th birthday ng Legoland. Pagpasok naman namin ay wala pang mga pila kaya't sa loob ng unang 30 minutes namin ay nakatatlong rides na agad kami, addik? hehehe...




Pagkatapos nun ay naglakad-lakad na kami para i-explore ang park. At sobrang naaliw kami sa Miniland. Wow! Kakabilib! Tuwang tuwa si Poj sa mga umaandar na trains, bus at ibang mga lego characters. At kami naman sa mga miniature buildings na gawa sa Lego.

London Tower Bridge

Buckingham Palace
Bago umuwi ay nakahabol din kami para makapanood ng isang 4D movie (3D movie na may mga effects na hangin, usok, ilaw, apoy at fake snow na gawa sa sabon sa loob ng sinehan, hehe, medyo igno ang lola dahil ngayon lang nakapanood nd 4D) Aliw si Poj sa 3D glasses nung una, pero nung huli ay ayaw na nya itong isuot. Pero super bilib sya sa iba't ibang effects lalo sa fake snow. Buti na lang ay hindi kami sa gitna napaupo kundi nabasa kami. 

Sa sobrang enjoy namin ay di na namin namalayan ang oras. Andun kami simula pagbukas hanggang sa pagsara ng park. =)

Iniisip nga naming dito (o kaya sa Chessington, dahil may mga adult rides dun para sa mga kaibigan na walang anak) na kaya idaos ang 2nd birthday nya sa May, bibigyan na lang namin ng 2 for 1 vouchers ang mga kaibigan namin na walang annual pass. Iniisip naming magdala na lang ng picnic at cake... Ano sa tingin nyo?





Thursday, 24 March 2011

Si Mr. T

Itatago ko na lang sya sa pangalang Mr. T. Isa syang "interesting" na tao sa paligid namin =)
Cute naman ang pagkainteresting ni Mr T. Minsan nga lang kapag may mga pikon moment ako...
Example:
Aayain nya kayong magdinner sa kanila. Kapag andun ka na ay kakatok ka at pagaantayin ng matagal... At pagbukas ng pinto ang ibabanat sa iyo ay isang malutong na "O" with gulat reaction na parang sinasabing "anong ginagawa nyo dito?" At take note - everytime ito, so hindi as if naalingpungatan lang sya.
Isa pa:
Nagpromise sya na sasama sa gimmick ng mga puti (na mga babae pa a) e sa isang busy na club ang punta kaya inantay sya ng mga beauties sa labas. E winter kaya nun, kinabukasan bang trip ang mga lola - sa akin nagsusumbong. Bakit, kasi NO SHOW si Mr T! Ako ang tinatanong, why?
Ekchample 3:
At ginawa nya rin ito sa amin. Inaya nya ang sarili nya nung bagong taon. Sya pa po ang mismong tumawag. Pumayag naman kami at naghanda ng bongang bonga! Korek! Naindyan din kami! Reason, wala lang po - tinamad lang sya!
At ang isa sa peborit ni Papa ay ito. Lagi itong magtatanong ng kung ano ang plano namin for the weekend o kaya kung nakaleave kami. At tyak na pagkatapos mong ikwento kung ano ang mga ito - tadadan! Sasabihan ka nito na, naku kami di namin kaya yan kasi kami walang budget/nagtitipid/magastos yan etc etc. To the point na magiguilty ka na ituloy mga plano nyo =( Basagan ba ng trip?
Marami pa kaming mga moments ni Mr T at masasabi kong may love-hate relationship kami. I'm sure di nya sinasadyang maging cute, ganun lang talaga. And I'm sure pinagtitiisan din nya pagkalokaret ko. Difference lang ay wala syang blog para makareklamo, hehe =D

Monday, 21 March 2011

Chessington World of Adventures


Kahapon ay ipinasyal namin si Jace sa Chessington World of Adventures

Originally, ang plano namin ay ang pumunta sa Lego Land ng dalawang araw sa bday ko. Bibili na lang kami ng Merlin Annual Pass para makapasyal na rin sa iba pang lugar (chessington, thorpe, alton towers, warwick castle, sea life, madame tussauds wax museum, london eye) throughout the year most especially sa summer.

Pero nung pumunta kami sa website ay nakita namin na may deal sila sa Chessington sa kanilang Annual passholder preview day. Pwede daw kaming bumili ng annual pass on the day na less 40% than internet price. Kaya kahit wala sa original plan ay gogogo na kami =)

Buti na lang ay ok ang panahon kahapon. Malamig at cloudy pero masaya na kasi hindi umuulan. Buti na lang din at gumanda ang pakiramdam ni Poj kasi kung hindi ay baka saglit lang kami doon.

Super excited ako sa annual pass kasi sigurado ako na mapapasyal namin si Poj ng mas madalas ng hindi masyadong worried sa budget. Unlimited entry na ito sa mga lugar na nabanggit ko kanina para sa isang taon. Sa April ay pupunta dito ang tita namin to attend a conference at ipapasyal namin sya sa London - pwede naming gamitin ito sa London eye at Madame Tussauds wax museum. Plus sa Brighton ang conference nya kaya pwede naman kaming mamasyal sa Sealife doon - perfect!

Super enjoy si Poj sa mga rides na specific sa mga bulinggit. Kaylangan lang talagang bumalik dahil wala pa sa kalahati ang nasubukan nya. Next time din ay papasakayin ko na si Papa Erick sa gusto nyang rides para enjoy din sya.



Super na-hunghang si Poj sa paglabas pasok ng dragon na ito, with matching usok pa habang nagsasalita

Griffins Galleon
Kasama si Tita Che at Kuya Cayden =)
Tiny Truckers

Gaya-gaya?

Carousel
Wish ko lang meron din sa Pinas na mas marami pang mga safe at magagandang theme parks para di na kaylangan pang dumayo ng HK o Singapore (or US) ng iba para mamasyal - foreigners naman ang dadalaw sa atin para sa mga theme parks natin. Pwede diba? Kelan kaya yun?


Friday, 18 March 2011

First Date

Yeehee, ang sweet naman =)


Hindi naman po ito ang unang date namin ever, pero ito ang pinakaunang beses na nakalabas kami ni papa Erick na kami lang since pinanganak si Poj.

Seriously po mga kapatid, since wala kaming pwedeng pagiwanan kay Poj dito ay hindi kami nakakalabas ng kami lang. Pero bakasyon kami ngayong araw na ito at pumasok si bosing sa nursery kaya eksakto pwede kaming makapagdate - pero medyo baduy kasi ang aga ng curfew! Kaylangan masundo na namin si Poj sa nursery bago mag 6 PM kundi may multa kami. Ok ba sa curfew, daig pa ang gala ng elementary?!? 

Di naman kami nakalayo, nagalmusal lang sa labas - ang aga namin dun, sarado pa ang gate nakapila na kami (di naman masyadong excited, dba?).  Namili na rin kami ng regalo para sa aanakin namin sa binyag. Tapos naglate lunch kami sa isang Japanese fastfood, Yo Sushi. Nothing fancy... At kahit gustuhin namin ng fancy e wala namang fine dining sa tanghali...

Anyhooo, ok na rin dahil ang date ay date at special pag special ang kasama ko ( yehee, papabasa ko ito kay papa para extra brownie points, lapit na bday ko, hehe).


As I've said Jap fastfood ito, may conveyor belt sa gitna (pero dumadaan ito sa gilid nyo kasi ang diners may proper table for 4, di tulad ng usual na nakaharap kayo sa belt at umiikot na food), kung saan umiikot ang iba't ibang pagkain na kalagay sa colored plates. Yung presyo nya ay depende sa kulay ng plato.




Attentive naman yung staff kahit maraming tao. Busy ang mga tagaprepare ng food - kita mo sila habang nagtatrabaho na ok na rin, alam mo kung ano ang nilalagay sa plato mo. Masasarap yung food this time kesa nung opening nila (not bad para sa fast food). Yung price medyo mas mahal nga lang sa usual fastfood resto. 


Pics nung ilan sa nakatakam sa amin mula sa conveyor belt:

Salmon sashimi

Ebi Furai

California Temaki

Ang ebidensya =)


Kelan ang next date? Try Sana next month ulit =)

Wednesday, 16 March 2011

Thailand's Got Talent Man or Woman



Share ko lang itong video na ito... para mapamura  mapangiti din kayo tulad ko! =)

Saturday, 12 March 2011

Swerte!

Maaga kaming umalis kaninang umaga. Nag-almusal kami sa McDonalds na mga 4 miles ang layo mula sa bahay namin.


Pagdating namin sa nursery nila Poj para um-attend ng kanilang open day ay napansin ko na wala ang celphone ko sa back pocket ng pantalon ko.


Syempre kinabahan na ako at biglang nanlamig. Lagi ko naman ito nami-misplace pero agad ko syang nakikita. Sa pagkakataong ito e nada! Wala sya sa loob ng bag ko! Huwaaah! Naloka ako! At naghyper ventilate! At syempre nasimangutan pa ni Papa Erick. Ang nasa isip ko lang ay - WALA akong insurance! Pano na?


Nagbakasakali kaming tawagan ang phone ko, walang expectations pero laking gulat ko na may sumagot. Sinagot ng manager ng McDo. Sinabi nya na nakita ng staff nyang si Ashley at isinurender sa kanya. Balikan na lang daw namin anytime. Haaaaaaay…


Di ako makapaniwala dahil matagal nang nawala ang tiwala ko sa mga tao. Alam kong di ito maganda pero naging ganito ako simula ng ma-hold up ako sa manila, matapos pasukin ang bahay namin habang tulog kami sa taas at may humiram (ng walang paalam at di na isinauli) ang cellphone ko, ipod at grocery money mula sa aking work locker.


Biglang nanumbalik ang paniniwala ko sa likas na kabutihan ng tao. Alam kong celphone lang ito, pero para sa akin ay malaking bahagi ito ng buhay ko. Andito ang lahat ng numero ng mga tao sa buhay ko, ang listahan ng mga milestones ni Poj at mga litrato nya at kung ano-ano pa! Haaay, salamat talaga =)


Wala si Ashley nung binalikan ko yung phone ko pero plano naming bumalik para personal syang pasalamatan.


Phew!


-------------------


I accidentally deleted this post, itong draft ang dapat na idedelete ko, kashunga-shungahan! grrrr.  sorry po kung di na nagrereflect ang mga comments nyo, dear readers. Nakasave naman sila - for my eyes only na nga lang...

Friday, 11 March 2011

Busy busyhan!

Byernes na. Usually pahinga ang nasa isip ko kapag dumarating ang weekend. Pero di ngayon. Madaming dapat ayusin at planuhin.


Sa katapusan ng March may ino-organize akong dinner para sa burpday ng partner ko sa work. Ang hirap minsan magorganize ng ganitong event (wow, event talaga? Ano ito parang awards night?) dahil ang mga briton ay may iba't ibang mga dietary preference. May vegetarian, vegan, fish only (ano ba tawag dun), dairy free, gluten free, ekek, at etc etc. At ang isa pang challenge ay sa Japanese resto ang venue - marami sa guest list ng celebrant ay sushi virgin! Good luck to me! And more importantly - good luck to them, hehehe.


Sa gitna naman ng April ay darating ang Tita namin para dumalo ng conference. Pagkatapos nito ay titigil sya sa amin ng isang linggo. Plano namin syang ipasyal sa London at mystery place(s) {mystery kasi di pa namin na-decide kung saan- kala nyo kung saan noh!}
Beerday din ni Papa Erick sa April at ako din pala! Haler, pwede ba naman kalimutan ang sarili (actually, pwede! Pero let's not, hehe).


Sa May naman ay magni-Ninong at Ninang kami para sa anak ng kaibigan. At sa katapusan ng May naman ay ---- Tada! 2nd birthday ni Poj!!! Unfortunately ay hindi kami makakauwi this year. Kaylangan na lang namin itong gawing special kahit kami lang ang andito.
At sa pagitan ng mga ito andyan din ang mga birthday ng Tatay, Nanay, Ate at kaibigan.


Looking forward na ang lola sa isang busy (kaloka?) magastos (kaloka times two!) at masayang spring =)

Monday, 7 March 2011

May Bago Na Kami

Ngayon ay sinubukan naming mag-grocery sa iba. Dati kasi ay dun na kami namimili sa nagke-claim na sila na ang pinakamura, kahit kaylangan pa naming bumyahe papunta dito. Meron namang walking distance lang sa amin pero ramdam ng wallet ko ang mahal ng tinda dun.
Pero ngayon ay sinubukan namin ang isang German grocery dito. Hindi naman ito bago pero lihis ito sa daanan namin. Naloka kami sa laki ng diperensya ng presyo. Mas madami na kaming pinamili kesa sa usual pero mas mura pa rin ang binayaran namin. Di ko tuloy mapigil mainis %*<#€=¥!@• (uy ang haba naman nyan) sa sarili ko at sa mga sobrang magpatong na mga groceries na yan! - pero di bale, over na ang drama, may bago na kami.

So meron na kaming murang bilihan ng karne, isda, grocery, gulay at prutas... Kaylangan na lang namin mahanap ay murang bilihan ng ticket para pag gusto naming umuwi at magbakasyon =)

Saturday, 5 March 2011

Lakwatsa ni Poj!

Maayos na ang pakiramdam ni Poj at di na rin kami masyadong inuubo at sinisipon, syempre naubos na ata namin ang supply ng tissue sa balat ng Southampton! Nakalakwatsa na nga si Poj at dinalaw namin ang aking friend at ang kanyang baby.




Makikita sa larawan na kahit mas matanda si Poj dun sa baby sa kanan (eksaktong isang taon ang agwat nila, weh? - opo, no joke) e parang mas matangkad pa sa kanya! Kaloka di ba? Pero syempre naman mas matangkad naman sa amin ang mga magulang nila. Kaya kahit kumpleto sa bitamina, gatas at pagkain e tanggap namin na mas maliit sya sa kanila.  Pero, medyo naloka pa rin ako nung makita ko mga pics sa bahay, huwah!


Yung girl sa gitna ay 4 months old. Super cute pag tumawa at ineexpect na namin na super tanggkad din paglaki. Long legged ang nanay at over 6 feet ang tatay!  


Enjoy naman si Poj makipaglaro sa kanila, buti na lang din at sanay sa ibang bata dahil sa kanyang nursery. Medyo napagod ata ang mga kaibigan ko sa pagpapabibo nya, hehe =)


But it was really nice to see them again, wow pa-sosyal nage-Ingles talaga ah? Noong bago kasi kami magkababy e madalas ang pagkikita-kita. Pero syempre marami naman talagang nagbabago kapag may mga anak na. Pero sinabi namin na pipilitin naming magkita-kita ng mas madalas (at sana next time e kumpleto na kami) para naman maging magkakaibigan din ang mga chikiting namin.

Wednesday, 2 March 2011

Pasado!

Nuong early Feb ay may test akong kinuha na required para sa trabaho ko. At salamat ng madami sa mabilis na pagcheck at inabot lang naman ng tatlong linggo bago nyo pinadala ang resulta! Wow nagtataray, syempre pasado na kaya pwede nang may opinion, hehe ;)


Sabi ng boss ko pwede namang hanggang tatlong beses kumuha ng exam. Madalas naman daw talaga take 2 dahil kakanerbyos much ang exam. Ang di ko lang sigurado ay kung idedemote ka nila kapag di pa rin kinaya ng powers mo after ng 3rd take mo.


Masaya na rin ako dahil ayoko nang pumunta ng London para lang kumuha ng exam, gimmick sige pwede - anytime =)


Sayang lang kasi super tagal ng resulta at di na inabot ng boss ko na ngayon ay naka 1 year maternity leave na. Ok din naman kasi ang suporta nya sa akin throughout the course.


Hay, sana yung next na test na kukunin ko ay pasado rin... AYOKO na ng mga TESTS! So pleazzz pray for me....

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...