Tuesday, 29 March 2011

Legoland



One word to describe the day - success!
2 words, BIG SUCCESS!!!


Dati pa namin planong pumunta ng Legoland pero hindi lang matuloy-tuloy. Maganda ang panahon ngayong weekend kaya't naisip naming sulitin ang aming Merlin annual pass.

Dahil sa sobrang sama ng lasa malungkot  na pansit na nakain ni Papa Erick sa Chessington e naisipan na lang naming magbaon ng picnic. Perfect kasi pwede kaming kumain kahit saan kami abutin ng pagod/gutom at di na kaylangan pang pumila ng pagkahaba-haba.

Maaga kaming nakarating at sa bukana ay namigay sila ng collector's brick para sa 15th birthday ng Legoland. Pagpasok naman namin ay wala pang mga pila kaya't sa loob ng unang 30 minutes namin ay nakatatlong rides na agad kami, addik? hehehe...




Pagkatapos nun ay naglakad-lakad na kami para i-explore ang park. At sobrang naaliw kami sa Miniland. Wow! Kakabilib! Tuwang tuwa si Poj sa mga umaandar na trains, bus at ibang mga lego characters. At kami naman sa mga miniature buildings na gawa sa Lego.

London Tower Bridge

Buckingham Palace
Bago umuwi ay nakahabol din kami para makapanood ng isang 4D movie (3D movie na may mga effects na hangin, usok, ilaw, apoy at fake snow na gawa sa sabon sa loob ng sinehan, hehe, medyo igno ang lola dahil ngayon lang nakapanood nd 4D) Aliw si Poj sa 3D glasses nung una, pero nung huli ay ayaw na nya itong isuot. Pero super bilib sya sa iba't ibang effects lalo sa fake snow. Buti na lang ay hindi kami sa gitna napaupo kundi nabasa kami. 

Sa sobrang enjoy namin ay di na namin namalayan ang oras. Andun kami simula pagbukas hanggang sa pagsara ng park. =)

Iniisip nga naming dito (o kaya sa Chessington, dahil may mga adult rides dun para sa mga kaibigan na walang anak) na kaya idaos ang 2nd birthday nya sa May, bibigyan na lang namin ng 2 for 1 vouchers ang mga kaibigan namin na walang annual pass. Iniisip naming magdala na lang ng picnic at cake... Ano sa tingin nyo?





8 comments:

  1. huwaw. nakaka-amaze naman jan. super nag enjoy talaga kayo. Naku nakaka-igno nga ang 4D, gusto ko rin nun. hehe..

    anyway maganda yung idea mo para sa friend nyo. I'm sure matutuwa sila. Good to know that you had a great weekend. ingat lagi. :)

    ReplyDelete
  2. wow lego, nong bata ako may lego ako hehe!

    ang cute cute ng mga picture.. hello poj..:))

    ReplyDelete
  3. Ang cool naman ng Legoland!!

    I will be there, someday! haha. :)

    ReplyDelete
  4. Wow kainggit much naman ng post na ito..sana laging maging maganda ang weekend niyo..

    ReplyDelete
  5. ang ganda ng mga structures na gawa sa lego. nakaka-amaze, siguro pag nakapunta ako jan hindi ako titigil sa kakatakbo sa sobrang tuwa. Cute din si Thomas, kahit wala ang kanyang mga friends.

    Magandang idea yung sa birthday party. Have a great weekend always.

    ReplyDelete
  6. ang ganda naman jan.. nakakinggit hehehe.. dito kasi sa atin, hanggang mall lang ang kaya ko marating hahaha

    maraming salamat po sa madalas nyong pagdalaw sa blog ko... thanks po ng many talaga...

    sa susunod po ulit...

    magandang araw

    ReplyDelete
  7. ay ang gaganda ng pagkagawa ng mga lego, for a moment akala ko totoo.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...