Byernes na. Usually pahinga ang nasa isip ko kapag dumarating ang weekend. Pero di ngayon. Madaming dapat ayusin at planuhin.
Sa katapusan ng March may ino-organize akong dinner para sa burpday ng partner ko sa work. Ang hirap minsan magorganize ng ganitong event (wow, event talaga? Ano ito parang awards night?) dahil ang mga briton ay may iba't ibang mga dietary preference. May vegetarian, vegan, fish only (ano ba tawag dun), dairy free, gluten free, ekek, at etc etc. At ang isa pang challenge ay sa Japanese resto ang venue - marami sa guest list ng celebrant ay sushi virgin! Good luck to me! And more importantly - good luck to them, hehehe.
Sa gitna naman ng April ay darating ang Tita namin para dumalo ng conference. Pagkatapos nito ay titigil sya sa amin ng isang linggo. Plano namin syang ipasyal sa London at mystery place(s) {mystery kasi di pa namin na-decide kung saan- kala nyo kung saan noh!}
Beerday din ni Papa Erick sa April at ako din pala! Haler, pwede ba naman kalimutan ang sarili (actually, pwede! Pero let's not, hehe).
Sa May naman ay magni-Ninong at Ninang kami para sa anak ng kaibigan. At sa katapusan ng May naman ay ---- Tada! 2nd birthday ni Poj!!! Unfortunately ay hindi kami makakauwi this year. Kaylangan na lang namin itong gawing special kahit kami lang ang andito.
At sa pagitan ng mga ito andyan din ang mga birthday ng Tatay, Nanay, Ate at kaibigan.
Looking forward na ang lola sa isang busy (kaloka?) magastos (kaloka times two!) at masayang spring =)
Punong Abala sana ay magtagumpay ka sa lahat ng ito at happy birtday sa mga magdiriwang.Link na kita sa blog ko. sa international pinoy.
ReplyDeletebusy ka nga hehe! basta blog pa rin ng blog kahit busy ah.. ^_^
ReplyDeletesabado na ngayon, how's the event? hehe..fishytarian ata tawag don..haha..natawa ako sa burpday, first time kong mabasa yan..hehe
ReplyDeletewow, events organizer! di ba mahilig ang mga briton sa fish and chips?
ReplyDeletehirap maging event organizer lalo na pag ang labo kausap ng mga invited pero fulfilling naman pag successful :)
ReplyDelete@Diamond R - thanks ah.
ReplyDelete@Mommy-razz - hehe, try ko po! =)
@Akoni - fishytarian? sure ka dyan?
@asiong32 - yup, mahilig sila sa fish & chips. At oo, events organizer, nagpapanggap!
@Marjori - i hope maging successful, the table is booked, fingers crossed magustuhan nila ang Japanese food =)