Saturday, 12 March 2011

Swerte!

Maaga kaming umalis kaninang umaga. Nag-almusal kami sa McDonalds na mga 4 miles ang layo mula sa bahay namin.


Pagdating namin sa nursery nila Poj para um-attend ng kanilang open day ay napansin ko na wala ang celphone ko sa back pocket ng pantalon ko.


Syempre kinabahan na ako at biglang nanlamig. Lagi ko naman ito nami-misplace pero agad ko syang nakikita. Sa pagkakataong ito e nada! Wala sya sa loob ng bag ko! Huwaaah! Naloka ako! At naghyper ventilate! At syempre nasimangutan pa ni Papa Erick. Ang nasa isip ko lang ay - WALA akong insurance! Pano na?


Nagbakasakali kaming tawagan ang phone ko, walang expectations pero laking gulat ko na may sumagot. Sinagot ng manager ng McDo. Sinabi nya na nakita ng staff nyang si Ashley at isinurender sa kanya. Balikan na lang daw namin anytime. Haaaaaaay…


Di ako makapaniwala dahil matagal nang nawala ang tiwala ko sa mga tao. Alam kong di ito maganda pero naging ganito ako simula ng ma-hold up ako sa manila, matapos pasukin ang bahay namin habang tulog kami sa taas at may humiram (ng walang paalam at di na isinauli) ang cellphone ko, ipod at grocery money mula sa aking work locker.


Biglang nanumbalik ang paniniwala ko sa likas na kabutihan ng tao. Alam kong celphone lang ito, pero para sa akin ay malaking bahagi ito ng buhay ko. Andito ang lahat ng numero ng mga tao sa buhay ko, ang listahan ng mga milestones ni Poj at mga litrato nya at kung ano-ano pa! Haaay, salamat talaga =)


Wala si Ashley nung binalikan ko yung phone ko pero plano naming bumalik para personal syang pasalamatan.


Phew!


-------------------


I accidentally deleted this post, itong draft ang dapat na idedelete ko, kashunga-shungahan! grrrr.  sorry po kung di na nagrereflect ang mga comments nyo, dear readers. Nakasave naman sila - for my eyes only na nga lang...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...