Maayos na ang pakiramdam ni Poj at di na rin kami masyadong inuubo at sinisipon, syempre naubos na ata namin ang supply ng tissue sa balat ng Southampton! Nakalakwatsa na nga si Poj at dinalaw namin ang aking friend at ang kanyang baby.
Makikita sa larawan na kahit mas matanda si Poj dun sa baby sa kanan (eksaktong isang taon ang agwat nila, weh? - opo, no joke) e parang mas matangkad pa sa kanya! Kaloka di ba? Pero syempre naman mas matangkad naman sa amin ang mga magulang nila. Kaya kahit kumpleto sa bitamina, gatas at pagkain e tanggap namin na mas maliit sya sa kanila. Pero, medyo naloka pa rin ako nung makita ko mga pics sa bahay, huwah!
Yung girl sa gitna ay 4 months old. Super cute pag tumawa at ineexpect na namin na super tanggkad din paglaki. Long legged ang nanay at over 6 feet ang tatay!
Enjoy naman si Poj makipaglaro sa kanila, buti na lang din at sanay sa ibang bata dahil sa kanyang nursery. Medyo napagod ata ang mga kaibigan ko sa pagpapabibo nya, hehe =)
But it was really nice to see them again, wow pa-sosyal nage-Ingles talaga ah? Noong bago kasi kami magkababy e madalas ang pagkikita-kita. Pero syempre marami naman talagang nagbabago kapag may mga anak na. Pero sinabi namin na pipilitin naming magkita-kita ng mas madalas (at sana next time e kumpleto na kami) para naman maging magkakaibigan din ang mga chikiting namin.
ang kukyut ng mga bata! mahilig ako sa bata...gusto ko pag nagka anak ako eh kahit isang dosena! lol
ReplyDeletenice to hear that kalokang pinay.. hehe! im happy for poj.. :))
ReplyDeletekalolang pinay, you were right...pero nadepressed lang kasi ako pag nakikita ko yung mga ibang photo blog kasi cellphone lang gamit ko...wala akong camera at wala akong training sa photography...its just that, some people will try to put you down...gusto ko lang talagang magpicture picture...try to backread im sure marami kang makikitang interesting na mga pics dun...salamat
ReplyDeleteomg they are so cute!!!
ReplyDeleteThanks guys…
ReplyDelete