Yeehee, ang sweet naman =)
As I've said Jap fastfood ito, may conveyor belt sa gitna (pero dumadaan ito sa gilid nyo kasi ang diners may proper table for 4, di tulad ng usual na nakaharap kayo sa belt at umiikot na food), kung saan umiikot ang iba't ibang pagkain na kalagay sa colored plates. Yung presyo nya ay depende sa kulay ng plato.
Attentive naman yung staff kahit maraming tao. Busy ang mga tagaprepare ng food - kita mo sila habang nagtatrabaho na ok na rin, alam mo kung ano ang nilalagay sa plato mo. Masasarap yung food this time kesa nung opening nila (not bad para sa fast food). Yung price medyo mas mahal nga lang sa usual fastfood resto.
Pics nung ilan sa nakatakam sa amin mula sa conveyor belt:
Hindi naman po ito ang unang date namin ever, pero ito ang pinakaunang beses na nakalabas kami ni papa Erick na kami lang since pinanganak si Poj.
Seriously po mga kapatid, since wala kaming pwedeng pagiwanan kay Poj dito ay hindi kami nakakalabas ng kami lang. Pero bakasyon kami ngayong araw na ito at pumasok si bosing sa nursery kaya eksakto pwede kaming makapagdate - pero medyo baduy kasi ang aga ng curfew! Kaylangan masundo na namin si Poj sa nursery bago mag 6 PM kundi may multa kami. Ok ba sa curfew, daig pa ang gala ng elementary?!?
Di naman kami nakalayo, nagalmusal lang sa labas - ang aga namin dun, sarado pa ang gate nakapila na kami (di naman masyadong excited, dba?). Namili na rin kami ng regalo para sa aanakin namin sa binyag. Tapos naglate lunch kami sa isang Japanese fastfood, Yo Sushi. Nothing fancy... At kahit gustuhin namin ng fancy e wala namang fine dining sa tanghali...
Anyhooo, ok na rin dahil ang date ay date at special pag special ang kasama ko ( yehee, papabasa ko ito kay papa para extra brownie points, lapit na bday ko, hehe).
As I've said Jap fastfood ito, may conveyor belt sa gitna (pero dumadaan ito sa gilid nyo kasi ang diners may proper table for 4, di tulad ng usual na nakaharap kayo sa belt at umiikot na food), kung saan umiikot ang iba't ibang pagkain na kalagay sa colored plates. Yung presyo nya ay depende sa kulay ng plato.
Attentive naman yung staff kahit maraming tao. Busy ang mga tagaprepare ng food - kita mo sila habang nagtatrabaho na ok na rin, alam mo kung ano ang nilalagay sa plato mo. Masasarap yung food this time kesa nung opening nila (not bad para sa fast food). Yung price medyo mas mahal nga lang sa usual fastfood resto.
Pics nung ilan sa nakatakam sa amin mula sa conveyor belt:
Kelan ang next date?
ano ung food after nong menu? fresh fish ba yon? hehe! masarap ba?
ReplyDeletehi mommy razz, opo - fresh salmon po yun, one of my fave =)
ReplyDeleteMasarap po coz i luv japanese food. pero mas excited ako sa dinner with friends sa end ng month sa proper jap resto at di fast food =)
Dami nyo nakain! I love jap food din kaya lang di ako kumakain ng sashimi. hehehe! Yun nga palang lalagyan ng deep fried pasta gift lang sakin. Actually Ice cream and snow cone holder sya. Yung paper cone e ginawa ko lang using scrapbook paper.
ReplyDeleteHahaha! Kita ang ebidensya - di pwede magdeny!
ReplyDelete