My very own little Azkal ❤ |
We are taking advantage of the hot summer days... Dito kasi ay walang garantiya na kapag summer ay laging maaraw. Kaya't kapag maganda ang panahon ay dinadala namin si Poj sa mga iba't ibang parks malapit sa amin. Buti na lang at maraming mga parks dito kung saan libre kang makakatambay, magpicnic at may play area para sa mga bata.
Nakakatuwang panoorin ang mga bata kapag naglalaro. Lalo na kapag tumatawa at tumutili sila sa galak. Dito ay nakikita ko syang maki-interact with other kids. Dito ay natututo syang maging pasensyoso, dahil alam nyang kaylangan nyang magantay kung merong ibang gumagamit ng swing, slide o iba pang laruan. Nakakaaliw kapag natututunan nya kung paano paandarin ang mga laruan sa park. Andyan na rin ang pagintindi ng concept of sharing.... It's only now that i truly appreciate that children learn through play talaga at hindi lang sa mga libro...
I feel happy & complete... feelings that no amount of gadgets, jewelries or money could ever buy. It is true what they say, the best things in life are free! ❤❤❤