Monday, 8 August 2011

Milkshake Day!




Tuwing umaga ay merong pinapalabas na mga kiddie shows (ie Thomas & Friends, Peppa Pig, Mr Men etc) and ang tawag sa kanila ay Milkshake shows. At ngayong summer ay nasa Chessington World of Adventures ang ibang Milkshake characters para mag perform para sa mga bata - ang Milkshake Live!


40 minutes lang naman ang show, pero puno ito ng sayawan at kantahan. Nandun ang ilan sa mga favorite characters ni Poj. Ang ngiti at saya nya nung isa isa nang lumabas ang mga characters para makisaya - Priceless! (sayang nga lang kasi bawal ang pics & vids sa loob...) 



Sinwerte kami dahil hindi gaanong matao sa Chessington (considering na summer vacation ng mga studyante ngayon dito)  makulimlim kasi at umambon pa nga sa byahe namin papunta. Kaya't kahit late kami ay malapit pa rin ang aming na-parkingan, at maiksi pa ang pila sa show kaya't marami pang time sa hapon si Poj na sumakay sa mga rides pagkatapos ng Milkshake Live show.
Hindi rin mahaba ang pila sa mga rides, kaya't andami pang nasakyan ni Poj kahit hapon na sya nagstart. 



Sabi ni Poj '' Ama, heavy! ''  lol

Ang favorite ride ni Poj
Ang batang pagod, bow! 
Noong asa byahe na kami pauwi ay nagkekwento na sya ng mga nasakyan niyang train rides at tsaka sinabing.... "Ama, Ina... happy Jace"  =)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...