Monday 7 March 2011

May Bago Na Kami

Ngayon ay sinubukan naming mag-grocery sa iba. Dati kasi ay dun na kami namimili sa nagke-claim na sila na ang pinakamura, kahit kaylangan pa naming bumyahe papunta dito. Meron namang walking distance lang sa amin pero ramdam ng wallet ko ang mahal ng tinda dun.
Pero ngayon ay sinubukan namin ang isang German grocery dito. Hindi naman ito bago pero lihis ito sa daanan namin. Naloka kami sa laki ng diperensya ng presyo. Mas madami na kaming pinamili kesa sa usual pero mas mura pa rin ang binayaran namin. Di ko tuloy mapigil mainis %*<#€=¥!@• (uy ang haba naman nyan) sa sarili ko at sa mga sobrang magpatong na mga groceries na yan! - pero di bale, over na ang drama, may bago na kami.

So meron na kaming murang bilihan ng karne, isda, grocery, gulay at prutas... Kaylangan na lang namin mahanap ay murang bilihan ng ticket para pag gusto naming umuwi at magbakasyon =)

5 comments:

  1. haha! natawa ako don sa saan kaya makakikita ng murang bilihan ng ticket.. hehe

    ReplyDelete
  2. naks mas makakamura ka na. hehehe. kung gusto ng murang ticket magbangka ka na lang po. hehe. joke apir hug. hehe. ^_^

    ReplyDelete
  3. "So meron na kaming murang bilihan ng karne, isda, grocery, gulay at prutas... "

    mukhang magandang balita nga yan...

    yung pinsan ko pala eh nurse sa uk pero diko alam kung san banda sya.

    ReplyDelete
  4. @mommy-razz - the lady can wish, can't she, hehehe

    @kikilabotz - naku kung pwede lang sana, kaso kung sakaling pwede e ubos na leave ko di pa ako nakakarating. Siguro tuloy ko na lang paghahanap ng murang ticket, hehehe

    @asiong32 - magandang balita talaga... Maraming pinoy nurses dito, super!

    ReplyDelete
  5. Haha sayang walang low low price na tickets..

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...